Chapter 40

245 16 4
                                    

Xiellara

Lumipas ang buong sembreak at sa mansion lang kami nakatambay ni Kira. Dito na rin mananatili si Mama, pati ang mga maids dahil magiging madalas na sa pagpasok si Tita at Mama sa kompanya.

Maaga kaming ginising ni Tita dahil may sasabihin raw sila ni Mama kaya heto, nakahanda na ako sa pagbaba para pumasok sa University, paniguradong nasa baba na rin si Kira.

Hindi nga ako nagkamali, nakasuot na ang kanyang black shoes katulad ko.

Inayos ko ang bag ko nang may maalala ako.

Yung cellphone ko!

"Oh bakit bigla kang sumimango jan?" Tanong sakin ni Kira.

"Eh kasiiiii! Naalala ko na naman yung pinakamamahal kong cellphone!" Saad ko.

"Ah oo nga pala, naiwan yun doon sa lumang factory." Aniya.

Napahinto kami sa usapan nang makita namin si Mama kasama si Tita,

"Bumili ako ng cellphone mo." Banggit ni Mama.

Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan niya.

"Talaga Ma?" Namamangha kong tanong.

"Yes sweetie." Sagot niya.

Inabot niya sakin ang isang bagong cellphone na agad ko namang kinuha.

"Thank you po." Saad ko.

"Narinig ko kasi ang usapan niyo ni Kira noong nakaraan araw, so I bought you one." Explain ni Mama.

"Salamat ulit Mama. Ah, papasok na po kami." Wika ko.

"And anyway, as I said, ako ang magha-hire ng bago niyong bodyguard.." nagtinginan kami ni Kira.

Samantalang nanonood lang si Tita Karylle.

"Nandito po ba sila ngayon Tita?" Tanong ni Kira.

"Yes." Pagkasabi nun ni Mama ay nakarinig kami ng mga yapak ng paa papasok sa mansion.

Sabay kaming tumingin sa pinto.

"Good morning Xiella, Kira!" Maingay na bati ni Cairo.

"Wazzup?" Saka nag-ngisi si Zeus.

"Tagal nating hindi nagkita ah!" Banggit ni Darren.

"Kamusta sembreak?" Tanong ni France.

"Ang gwapo ko pa din!" Saka naman nag-pogi sign si Lex.

Naka-uniform na rin sila tulad namin at mukhang handa na ring pumasok.

"S-Sila ang bodyguards?" Nakaturong tanong ni Kira sa limang bakulaw.

"Ma, sila po yung mga sinasabi naming mga kaibigan namin." Banggit ko.

"I know sweetie. Kaya nga sila ang kinuha namin ng Tita mo kasi mas kilala niyo na, pati ng Tita mo." Natatawang sagot ni Mama na parang hindi makapaniwala sa reaksyon ko.

"..wait there's more." Dugtong niya ulit.

Muli na namang may pumasok, and this time si Thala at Brielle naman na.

"Hi Kira, Xiella!" Mabilis silang pumunta sa kinaroroonan namin saka kami niyakap.

"Hala!" Gulat na saad namin ni Kira.

Better than Words ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ