Chapter 34

358 21 6
                                    

(A/N):
So ayon! Muntik na akong tamadin na isulat to, pano ba naman, nawala yung una kong tinype. T^T  Kaya inumpisahan ko ulit.

By the way mga bulalakaw! Nasaksihan niyo ba yung Geminid Meteor noong December 14-15? Ako, oo. Hehe, sana nakita niyo, it's beautiful and amazing. But still, my readers, my Asteroids are more beautiful and amazing, though. Yieee. Kiligin naman kayo!

Haha, enjoy reading Asteroids🖤

Xiellara

Nagsisimula na ang pinakahihintay naming event. Malakas ang sigaw ng mga istudyante dito, yung tipong mayayanig itong gymnasium namin.

Unang pumasok ang dalawang pares ng Grade 7, not bad. Magaganda at gwapo sila.

Umugong ang ingay nang maglakad na ang dalawang pares ng Grade 8.

"OMG! Henry!"

"Gumanda si Alice!"

"Bryaan!"

"Aaaah, Naomi!"

Nag-taas ang kilay ko, well, they're all wearing their sports attire.

Tinawag na ang Grade 9, pero sa iba napunta ang atensyon ko dahil biglang tumabi sa akin si Nixon.

"Nixon!" Saad ko.

Nakipag-fist bump ako sa kanya.

"Congrats nga pala kanina! Ang galing mo ha!" Sigaw ko dahil umiingay na ang paligid habang sumasabay sila sa tugtugin.

"Syempre nanood ka eh." Aniya saka mahinang humalakhak.

"Yah, yah. Corny mo. Ilang mais nakain mo ha?" Pambabara ko.

"Seriously? Corny pa ako sa lagay na yun?" Kunot noo niyang tanong.

"Well, hahaha." Kibit balikat kong sabi.

"Anyway, congrats din kanina. Hahaha, tinamaan ako sa kanta mo." Banggit niya.

"Alin doon sa dalawa? Hahaha," tanong ko. Malay ko ba.

"Simula pa noong una, Hindi na maintindihan nararamdaman.~" pakanta niyang sabi habang nakatingin sakin.

Pinindot ko yung ilong niya para mawala ang pagkakatitig niya sakin. Tumawa naman siya saka ginulo ang buhok ko.

"Ay bwiset." Asik ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla niyang pitikin ang ilong ko.

"Aray! Tang'na naman!" Sigaw ko.

"Xiella!" Tawag ni Kira.

Sinamaan ko ng tingin si Nixon na ngayon ay nakangisi.

"Bakit?" Tanong ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Nix.

"XIELLA!" Ngayon ay nilingon ko na si Kira dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Bakit?" Muli kong tanong.

"Si Zeus!" Sagot niya habang nakaturo sa dapat na pinapanood ko ngayon.

Tinignan ko ang tinuro niya.

Holy shit.

"Kyaaaaaah!"

"Oh my gosh!"

Better than Words ✓Where stories live. Discover now