Chapter 37

288 21 6
                                    

Happy New year!

haimahdi kingmitochondria Patrasanta RestyMabasa5 thank you for voting! :)
user32101467 thank you for the long wait✨

Xiellara

Matapos ang usapan kanina ay nag-insist si Nixon na talian ang sugat ko dahil nag-dudugo.

Pero hindi pa rin mawala sa utak ko na gangster ang mga kaigan kong ito. Pakshet.

"We're done." Ani Nixon ng matapos ng talian ang sugat ko gamit ang pinunit na tela.

Tinignan ko na sina Thala at Brielle,

"Just stick on the plan, okay?" Payo ko sa kanila.

Nag-thumbs up naman silang dalawa.

Nilakad na namin ang bakod na inakyat ko kanina. Unang umakyat si Nixon, sumunod ako saka inabot niya ang kamay ko. Pagkatapos ay si Kira, Cairo, Lex, France at Darren.

Nang masigurong nakalapag na kaming lahat ay humilig kami saglit sa punong malapad.

Sinilip ko ang mga nagbabantay,

Marahan akong tumakbo saka humilig na naman sa building at hinayaang sumunod ang mga kaibigan ko.

"Cairo, Kira. Dito kayo maghintay." Banggit ko sa paraang kami-kami lang ang makakarinig.

"Bantayan niyo ang mga bantay." Sabi naman ni Nixon.

"So, kami ang magiging bantay ng mga bantay?" Patanong na sagot ni Cairo.

Napa-face palm naman si Kira.

"Oo, wag ka ng makulit." Sagot ng pinsan ko.

Matapos ang usapan ay nilakad namin ang punong katapat ng silid na pinagkulungan ako kanina.

"Mauna na akong umakyat." Saad ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad ng inakyat ang puno saka bumitin sa isang sanga. Pagkatapos ay inabot ko ang bintana gamit ang aking paa, saka ko na isinampa iyon at pinasok ang kalahati ng aking katawan.

Nang matapakan ko ang upuan na ginamit ko kanina ay dahan-dahan na akong pumasok. Saglit kong sinilip sina Nixon na sumusunod na rin sakin.

Bumaba na ako sa upuan saka marahang lumapit sa pintuan. Mukhang hindi pa nila alam na nakawala ako kanina.

Nilapit ko ang tenga ko sa pintuan, walang akong ingay na naririnig.

Kinuha ko ang pocket knife ko, saka tumingin sa bintana. Andoon sila at pare-parehong nakalapag na. Lumapit silang apat sakin.

"Please, sabihin niyong kaya niyong buksan itong pinto." Saad ko sa kanila.

"I can." Sagot ni Darren.

"Buti naman." Banggit ko at nakahinga ng maluwag.

May kinuha siyang isang bagay sa kanyang bulsa. Isang nail cutter, pagkatapos ay inilabas niya doon ang isang maliit na kutsilyo na sakto lang para sa door knob.

Kinalikot niya ang door knob gamit iyon ng ilang minuto hanggang sa makarinig kami ng maliit na tunog.

"Nice."

Better than Words ✓Where stories live. Discover now