Epilogue

155 17 1
                                    

Xiellara

15 years later...

"Mommy wake up!"

"Mom! Di ba may pupuntahan pa po tayo?"

Bumaling ako sa kabilang side ng kama saka nagkumot.

"What is it babies?" Inaantok kong tanong.

"Di ba po may lakad tayo kasama sina Tita Kira, Tita Thala, Tita Bloom, Tita Brielle, Tita Jane at Tita Razel?"

"Saka si Tito Cairo, Tito Darren, Tito France , Tito Lex, Tito Yuki tapos Tito Nixo----"

Mabilis akong umupo sa kama saka hinarap ang kambal.

"Okay. Okay. I'm awake now." Ngiti ko.

Lumapit silang dalawa sakin saka ako niyakap.

"Saan ang Daddy niyo?" Tanong ko sa kanila.

"He's downstairs," sagot ni Zeraphina.

"Nagluluto siya ng breakfast." Sambit naman ni Xyrus.

Bumaba na ako sa kama samantalang tumalon naman silang dalawa pababa. Sinamahan nila akong itupi ang bedsheets at ayusin ang unan sa kwarto namin ni Zeus.

"Magba-brush lang ako ng teeth, go to your dad na. Wait for me downstairs." Masaya silang tumango saka lumabas ng kwarto.

Pumasok ako ng banyo saka nagsimulang mag-sipilyo.

15 years na rin ang nakalipas. Ang dami ng nagbago.

Kinasal ako kay Zeus 6 years ago, at heto may kambal na kami. Sina Zeraphina at Xyrus, they're 5 years old now. Si Kira at Cairo naman ay kinasal na rin at nabiyayaan ng anak na babae. Thala and Lex are married now, at buntis si Thala sa baby boy nila. Brielle and France almost broke up 9 years ago, buti na lang at naayos nila ang relasyon nila at kasal na rin, they have their son now. Bloom and Darren had their two sons now, and they're so adorable. Nagpakasal naman sa Japan sina Yuki at Jane, syempre invited din kami noon. Meron na sila ngayong anak na babae.

Naalala ko naman si Nixon at Razel. Noong nag-grade 12 kami ay aalis pala ng Pilipinas si Razel kasama si Ate Graice. They're going abroad. Hindi namin sila napigilan, itong si Nixon naman kung kailan nakaalis na ng bansa si Razel saka lang na-realize na mahal niya. Tignan mo, loko talaga. Syempre sinundan niya abroad at doon niya pinagtapat ang feelings niya, then boom! They are married, at may anak na rin sila.

Sina Mama at Tita Karylle naman ay nagbabakasyon sa Paris.

Pagkababa ko ng kwarto ay sinalubong na naman ako ng kambal at iginiya sa dining area namin.

"Mommy tignan mo yung luto ni Daddy!"

"Hihihi! Yung pancake po ginawa ni Daddy na hugis heaaaaart!"

Hinila nila ako papalapit sa kanilang mga plato, si Zeus naman ay nakatayo sa gilid ng mesa at nakangiti saming tatlo.

Tinignan ko ang pancake sa plato, it's in a cute heart shape.

"You did this?" Natatawa kong tanong kay Zeus.

Hinapit niya ang bewang ko at ipinatong ang baba niya sa aking balikat. We watch our twins as they start putting chocolate syrup on their pancake.

"Yes. Got a problem with that?" Tanong niya.

Tumawa at umiling ako saka siya mabilis na hinalikan sa labi.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now