Chapter 28

350 15 0
                                    

Xiellara

Kasalukuyan kong kasama ngayon si Nixon dito sa loob ng campus. Kagagaling lang namin sa admin dahil nagpa-enroll na siya.

Bukas pa siya papasok, pero dahil sa sinabi ko sa kanya naitu-tour ko siya, andito siya ngayon kasama kong naglilibot.

"Dito ang building natin." Saka ko itinuro ang building namin.

"Doon tayo sa second floor kasi magkaklase tayo. Dito naman sa ground floor ay yung clubs,"

"Ang third at fourth floor ay magagamit na rin, siguro sa makalawa na. Kaya asahan mong iingay ang building nating mga Grade 10." Napahalakhak naman siya sa sinabi ko.

Muli na naman kaming naglakad-lakad hanggang sa tumapat kami sa cafeteria.

"Ito naman ang cafeterka," hinila ko siya papasok doon.

Tinignan ko siya, nilibot ng mata niya ang buong cafeteria saka ngumisi.

"Oh my ghad! Sino naman itong oppa na ito?!"

"Ang gwapo!"

"Certified oppa!"

"Damn that smirk!"

Nagbuntong hininga naman ako. Oo nga pala, basta gwapo, agad na lilinaw ang mata ng mga schoolmates kong babae. Naalala ko na naman ang pangyayari kina Kuya Rem at Kuya Loewen.

Napatingin ako kay Nixon nang hawakan niya ang wrist ko.

"Eh?" Tanging lumabas lamang sa bibig ko.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin. Ganoon na lamang ang gulat ko nang napapalibutan na pala kami ng mga schoolmates kong babae.

"What the?" Gulat kong saad.

"Hi! I'm Marisa. You?"

"Are you a Korean?"

"Transferee ka ba?"

"You're so handsome!"

"And cute!"

"Bakit kasama mo yang taga 10-B?"

"Is she your girlfriend?"

"OMG, dinurog mo na agad ang puso ko!"


Girls in our University are really the scariest.

Dahan-dahan kaming napa-atras nang palapit sila nang palapit. Napasinghap kami nang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria kaya't nilingon namin ang likod.

Nakatayo doon ang limang bakulaw na parang pag-aari nila ito. Nang makita nila ako ay agad silang nag lakad papalapit sakin.

Nag-iwas naman ako ng tingin kay Zeus ng mapansing nakatitig siya sakin.

Malandi pala ha.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsi-alisan na ang mga babaeng nakapalibot sa amin.

Buti naman.

"Hi Xiella. Kamusta?" Panimula ni Cairo.

"Maayos naman. Kayo ba?"

Better than Words ✓Where stories live. Discover now