Chapter 4

549 25 0
                                    

Xiellara

It's lunch time and I'm eating together with my new friend, Thala.

"By the way, when you sent me a friend request, Zeus also sent me one. Magpinsan pala kayo?" Singit ko sa kwentuhan namin.

"Yes, His mother and my father are siblings." Paliwanag nito sakin. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.

"Hindi halatang magkadugo kayo." I heard her chuckle because of what I said.

"Pano mo nasabi?" Sumubo siya ng pagkain at napapasimsim naman ako sa aking inumin.

"Kasi ikaw, mabait, friendly, maganda, cute, at magaling magluto. Samantalang siya, nakakabwisit, mahangin, maarte, babaero, basag-ulo, at masungit."

Tumawa na naman siya sa sinabi ko.

"Pero gwapo siya diba?" Tanong niya.

Ngumiwi ako saka inalala ang kanyang mukha.

"Well, your genes can't lie." Sabi ko saka sumubo ng pagkain.

"So pogi nga ako sa paningin mo?"

Napaigtad ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

Lumipat si Thala sa tabi ko, saka umupo naman si Zeus sa tapat ko. Wait, may kasama pa pala siyang dalawa. Sa pagkakatanda ko, yung isa ay yung Vice-president naming mga secondary, ano nga ulit name nito? Allen? Alex? Ah! Alexander! Tapos yung isa di ko na kilala.

I think they'll also eat lunch because of a tray of food that they're holding.

"Zeus! Ipakilala mo naman sila kay Xiella." Banggit ni Thala.

"Tss."

"Kayo na nga lang magpakilala, boys." Saad ni Thala.

"I'm Alexander De Asis, Lex for short." Pagpapakilala si Alexander or Lex na lang.

"Cairo Genesis." This guy is wearing a jersey. Doon ko napagtanto na player siya ng basketball.

Sa kanilang tatlo ay si Cairo ang pinakamatangkad, maybe because he's a varsity player of basketball team. While Alexander got the playful yet catchy smile among them.

"Xiellara Vernandez." Saka ako ngumiti.

"What an expensive name." Bulong ni Cairo pero narinig ko pa rin.

Di nagtagal ay kumain na ulit kami. Si Thala at Lex ay nagbabangayan naman. Samantalang itong si Cairo ay nagkwekwento sa akin. Madaldal siya pero mukhang pili lang ang dinadaldalan niya.

Umalis si Cairo para bumili ng kanyang inumin, samantalang nag cr si Thala, at nauna ng umalis si Lex dahil meron raw siyang ihahabol na output. Kaya kaming dalawa na lamang ni Zeus ang naiwan sa mesa.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." I side eyed Zeus because of what he said.

"Tanong na?"

"Na pogi ba ako sa paningin mo?" Halakhak niya.

Hindi ko kinakaya ang level ng confidence niya.

"The fvck?" Hindi makapaniwalang mura ko. "Baliw."

"Nasapak ka lang, kung ano ano ng iniisip mo. Itanong mo na lang yan sa mga fan girls mo baka nahimatay pa sila bago makasagot." Irap ko.

I look around the cafeteria and half of the girls are gazing at him. Well, I can't deny the fact that he got the face that everyone wants. He's handsome, alright.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko hanggang sa bumalik na ulit si Cairo dala ang kanyang soda.

"Una na ako. May practice pa raw kasi kami. Kita na lang ulit tayo mamaya pre. By the way, nice to meet you."

"Nice to meet you too. Ingat."

Nang makaalis na siya ay siyang pagsunod ni Thala sa pagbalik sa lamesa.

"Mauna na rin ako Xiella. This portfolio needed to be passed before 1pm!" Pagpapaalam ni Thala.

Kumaway na ako sa kanilang dalawa habang paalis na sila. Nahagip ng mata ko si Kira na papasok sa loob ng cafeteria, mukhang kakain lang ng lunch niya ngayon. She's with her other classmates at naghahanap ng mauupuan.

Nagmamadali akong tumayo at isinukbit ang bag ko sa aking balikat. Tinignan ko si Zeus na nagtatakang nakatingin sakin.

"Why are you in a hurry?" Tumayo na rin siya at kinuha ang kanyang gamit.

"Hindi mo pa tapos ang pagkain mo, mauuna na ako."

"I'm full now, sabay na tayo."

Tumingin ako sa gawi ng pinsan ko na naglalakad na pupunta sa direksyon namin.

"Tsk," Wala akong nagawa kundi ang hilain ang kamay ni Zeus para makaalis na kami ng cafeteria.

Iniwasan ko ang pinsan ko at sa ibang dako kami dumaan.

"Oh my god Zeus! What happened to your handsome face?" Isang babae ang sumalubong sa kanya.

Dahil sa sigaw na yun, nagsilapit ang mga iba pang babaeng kanina pa tingin ng tingin sa kanya nung nasa loob kami ng cafeteria.

"OMG! Zeus! Anong nangyari sayo?"

"Mr. President, gusto mo ipunta ka namin sa clinic?"

"No! Dapat sa hospital siya!"

"Saan ang masakit? Kikiss ko!"

"What happened?"

Bibitawan ko na sana ang kanyang kamay na hawak ko, pero hinigpitan niya lang yung kahit ang dami ng nakapalibot sa kanyang babae.

Tinignan ko siya ng masama pero sumilay lang ang maliit niyang ngisi sakin. Dahil sa irita ay kinurot ko ang kamay niya dahilan para mabitawan ang kamay ko. I saw the disbelief and irritation in his expression but I just raised my middle finger at him before running away.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now