Bonus Chapter : Nixon and Razel

109 14 1
                                    

Nixon

Nandito kami sa paboritong spot ng mga kaibigan ko, Cara Cafè. We were Grade 11 now.

"Hoy! Hoy Razel! Sino yung kausap mong lalaki kanina? Manliligaw mo no?" Tukso ni Xiella kay pandakiko, kay Razel.

"Hala siya! Hahaha! Tamang hinala ka naman jan Xiella. Kaklase lang namin yun, nagpapatulong lang ng homework." Saka humalakhak yung pandakiko.

I cooly sipped on my frapped. Psh.

Muntik na akong mabilaukan nang tumingin sa gawi ko si Razel.

"What?" Tanong ko.

Ngumuso siya saka bumaba ang tingin sa strawberry shortcake ko. Wag mo sabihing hihingan niya yan?

"Penge," damn this padakiko. Hindi yata nabubusog.

"No. Ubos mo na yung sayo at akin ito." Sambit ko at nag-slice sa cake saka sumubo.

"Hah! Damot." Ismid niya.

Sumimsim siya sa kanyang caramel coffee saka na lang nag-cellphone.

"Pfft!" Pigil na tawa niya.

Mabilis na dumungaw sa phone niya si Xiella at Kira.

"Lol. Si Ice yan diba?" Tanong ni Xiella.

"Oo." Simpleng sagot niya.

"Ini-stalk mo?" Kunot noong tanong ni Kira.

"Hindi. Napadaan lang sa news feed ko." Sagot niya ulit.

Ice? If I'm not mistaken yan yung ka-band mate ni Xiella sa Lilith's Solitude.

I stared at my cake blankly.

"Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa nagtalsikan ang cake mo jan." Biglang baling sakin ni Darren.

"Pinagsasabi mo?" Tanong ko.

Tumawa siya saka na lang umiling at hinarap ang kanyang girlfriend na si Bloom.

******

I was sitting at the corner of our room while surfing on my phone.

"Hey dude!" Bati ni Aldus. ABM din ang strand niya.

Naupo siya sa tabi ko.

"Balita ko wala ka pa raw jowa." Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kailangan pa ba yun?" Kunot kong tanong.

Tinawanan naman niya ako.

"Tara hanap tayo chics." Sambit niya.

"Gusto mo isumbong kita kay Wella?" Napatingin kaming dalawa kay Razel na mukhang bagong dating at narinig pa ata ang sinasabi ni Aldus.

"Nagbibiro lang naman ako!" Depensa ni Aldus.

Napa-iling na lang si Razel at naupo sa harap na upuan ko.

Napatingin kami sa pinto nang sumilip doon si Xiella saka pinasadahan ng tingin ang room namin hanggang sa huminto iyon kay Razel.

"Razel!" Sigaw niya.

Umangat ang tingin ni pandakiko kay Xiella saka naglakad palapit sa kanya. May kung ano silang pinag-uusapan hanggang sa may inabot na box si Xiella sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na. Iba ang building nina Xiella dahil HUMSS siya.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now