Chapter 48

164 17 2
                                    

(A/N):

Hey Asters! May bago po akong story na isusulat, titled as Sweeter than Fiction. Sana po masuportahan niyo! Soon po yan! Salamaat.




Xiellara

Tinignan ko ang kapirasong papel na hawak ko kung saan nakalagay ang codename ng nabunot ko.

Black_board

Ngumiwi ako. Anong klaseng codename naman ito? Atsaka ano ireregalo ko dito? It should be something to use and to remember.

"Kung sino man nakabunot sakin. Ayusin mo sawa na ako sa mug!"

"Pano naman niya malalaman eh naka-codename?"

"Oo nga! Ambobo mo!"

"Makabobo ka naman!"

"Sino nabunot mo teh?"

"Secret."

"Hala! Andamot! Sabihin lang naman eh."

"Secret nga kasi!"

"Grabe---"

"Secret yung codename antanga!"

Napa-face palm na lang ako sahil sa kaingayan nila. Umalis lang saglit si Ma'am tas ganito na agad. Hayst!

Katulad nga ng sabi ni Ma'am, nagbunutan kami sa unang araw ng Disyembre, bukod doon ay tapos na rin namin ayusan ang aming classroom. And also, it's been a week since the last time I talk to Zeus. Bumuntong hininga ako saka humilig sa aking upuan.

Nabigla ako ng pisilin ni Nixon ang aking pisngi, na parang pilit akong pinapangiti.

"Smile!"

"Aray! Ano ba----Nixon!! Masakit!" Singhal ko habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay.

"Hindi ko to tatanggalin hangga't di ka ngumingiti." Aniya.

"Oh ayan!" Saad ko at ngumiti habang labas ang ipin.

"Good." Then he patted my head.

I sighed again.

"Hey. Everything will be fine, okay?" Ngumuso ako.

"Xiella!" Sigaw ni Thala mula sa pinto ng classroom namin.

Agad akong napatayo at pumunta sa kanyang kinaroroonan.

"May problema ba?" Nag-aalala kong tanong.

"Fvck. Pano ko ba sasabihin to?" Bulong niya.

"Ha?" Tanong ko.

"Si...s-si Zeus kasi," umiwas siya ng tingin sakin.

Napalitan ng lamig ang ekspresyon ko dahil sa binanggit niya.

"What about him?"

"Nag-aaway sila, n-ni Darren.." tila nahihirapan niyang banggit.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now