Chapter 2

656 27 4
                                    

Xiellara

"Hi, I'm glad you came!" Pambungad na bati sakin ni Ms. anghel.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Hindi ko ine-expect na magkikita pala talaga kami sa cafeteria. She's waiting for me, and even reserved a seat for me.

"Ako nga pala si Thala Guiverra." Inabot niya sakin ang kamay niya.

"Xiellara Vernandez." Inabot ko rin sa kanya ang kamay saka kami nag shake hands.

"Sorry nga pala ulit." Bahagya siyang yumuko para sa paghingi ng tawad sa akin.

"Ah, hahaha! Okay lang yun! Ano ka ba, kanina ka pa forgiven."

"I really feel bad, that's why babawi pa rin ako!" Naglabas siya ng Tupperware na color purple.

"Eto yung mga sobrang nagawa kong cupcakes kanina, here have some. At etong isa ay para sayo talaga." Binuksan niya yun at doon ko nakita ang three pieces ng cupcakes.

My heart automatically melted of what she said. Hindi agad ako nakapagsalita dahil doon. Tumitig ako sa cupcake na may icing sa ibabaw, it's color purple too. How cute of it.

"Wow! Salamat, nag abala ka pa." Nahihiya kong tugon.

"It's a small thing, I just really wanted to properly apologize to you."

I took a bite on it. Ramdam ko ang pagkatunaw ng icing sa aking panlasa. It tastes heavenly.

"Ang sarap! Grabe. Ang galing mo mag bake." Pagpupuri ko dahil totoo naman talaga.

"Hehe. Thank you."

Inilabas ko na ang lunch ko na nakalagay sa tupperware ganon din ang ginawa niya.

"Let's eat!"

Ang sarap sa pakiramdam na meron kang kasama na kasabay kumain. Naalala ko lang yung mga oras na mag-isa lang akong kumakain dito sa cafeteria. Yes, I have some friends, but I'm not only the one who is friends to them. Mas madalas nilang kasama ang mga paborito nilang kaibigan kaysa sa akin. Kumbaga, nakikisabit lang ako sa kanila. Funny right? Hindi naman ako gagang manhid para hindi yun maramdaman.

I'm no one's favorite friend.

Pagkatapos ng isang oras na pakikipag usap at pagsabay sa kanya kumain, nag time na rin.

"So Xiella, sabay ulit tayo bukas ah? I enjoyed your company!"

"Naks! Thank you. Sige bukas ulit."

We're gonna see each other again tomorrow, I'm excited. We bid a goodbye at each other as we separate our ways.

Wow! Lakas maka English ah.

Nang mailapag ko na ang bag ko sa upuan ay pansin ko ang pananahimik ng mga kaklase ko at ang kanilang nakabusangot na mukha.

"Oh? Bakit parang pinagsakluban ng langit yang mga mukha niyo? Anyare?"

"Hindi mo ba alam yung balita tungkol dito sa campus?"

"Syempre hindi. Ano bang meron?"

"K-kasi Xiella.." Kinakabahan niyang sabi.

"Bakit?"

Tae. Kinakabahan tuloy ako!

"A-ano- kasi.."

"Ano nga kasi?! Pa-suspense ka naman eh."

"K-kasi exam na, 2 weeks from now!" Sabay-sabay nilang sagot.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now