Chapter 54

158 15 2
                                    

(A/N)!!

Asters, napag-isipan ko po na yung nangyari sa Pillar Falls ay gagawin ko na lamang na Special Chapter! Sorry guys, wala na kasing time. At naka-ilang chapter na ako sa Pillar Village. Hope you understand.

Sa chapter na ito ay may kaunti rin namang highlights about sa nangyari sa Pillar Falls.

Enjoy reading :>


Xiellara

Friday. And today is our Christmas Party!

Nakabalik na kami noong Wednesday. Syempre sabay-sabay kaming umuwi at sabay-sabay rin kaming pinagalitan ng aming mga magulang. Pero ayos lang dahil ayos na rin naman kami.

I'm wearing a black off shoulder top and wide leg ripped jeans on bottom. Naka-sandals ako habang naka-fish tail ang mahaba kong buhok.

Kinuha ko ang sling bag ko. Syempre naroon na ang mga gamit ko habang binitbit ko naman ang regalo ko kay eherm.

Black_board. Yung nabunot ko.

Hinihintay ko na lang si Kira.

Bumaba na siya saka ako binati. Nakasuot siya ng floral sleeveless dress at naka-strap sandal naman siya. Yung buhok niya ay nakalugay.

"Wag na ulit kayo gagawa ng kalokohan! Maga-grounded talaga kayo." Banta ni Tita Karylle.

"Opo." Sabay naming sagot.

"Hmm. Oh siya, magpahatid na kayo. Ingat!" Sabi naman ni Mama.

Nagba-bye na rin kami sa kanila.

Sumakay na kami ni Kira sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa University. Nagsimula na kaming maglakad ni Kira sa lobby ng makasalubong namin si Razel.

Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin samantalang nahihiya siyang ngumiti pagkatapos ay nilagpasan na kami.

Hanggang ngayon nakakapalan pa rin ako sa mukha niya.

Pagkaakyat namin sa building ay sinalubong kami nina Cairo. Pare-parehas silang naka-polo at oo na...ang ga-gwapo nila ngayon. Well, matagal naman na.

Nagkatinginan kami ni Zeus pagkatapos ay nag-iwas ako ng tingin. Samantalang nag-ngisi naman siya.

N-Naalala ko yung nangyari sa Pillar Falls. Damn. Stupid motherfvcker.

"Wag mo sabihing hindi pa rin kayo ayos ni Zeus?" Bulong sakin ni Kira.

"H-Hindi naman sa ganoon!" Bulyaw ko.

"Okay. Sabi mo eh." Saka siya nagkibit-balikat.

Nagpaalam na siya saka nauna na siyang lumakad kasabay si Thala at Brielle. Hinatid sila Nina Cairo, Lex at France sa kanilang room.

Akmang lalagpasan ko na si Zeus nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Dahil sa pagkataranta ay muntik ko na siyang sigawan.

"A-Ano ba?" Bulyaw ko.

"Easy. Hahaha," hinampas ko ang braso niya dahil sa iritasyon.

"Ano? May sasabihin ka ba?" Tanong ko.

Imbes na magsalita ay kinagat lang niya ang ibaba niyang labi. Namula ako dahil sa inis.

"Kung nandito ka lang para mang-asar, fvck off." Litanya ko.

Sumeryoso siya pero naroon pa rin ang maliit niyang ngiti.

Better than Words ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang