Chapter 23

313 17 0
                                    

Xiellara

"Xiella may gunting ka?"

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung lalake.

"Uy! Xiella, may gunting ka?"

Yung paraan ng pag-ngisi niya, talagang pamilyar.

"Xiella!"

"Ay pusang kinalbo!" Sigaw ko nang marinig ko ang sigaw ni Aldus sakin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil dun.

"A-Ano?!" Iritado kong tanong.

"Kung meron ka bang gunting?" Tanong niya.

Hinalungkat ko naman ang pencil case ko para mahanap ang gunting gunting ko, nang makita yun ay iniabot ko na sa kanya.

"Salamat," tango na lang ang isinagot ko.

Martes ngayon, at tatlong araw na ang nakalipas nang makita ko si Mama at ang lalaking yun, na hindi ko naman kilala.

Noong Linggo ay hindi kami natuloy nina Thala na mag-simba dahil masama ang panahon at maulan-ulan din. Kaya't napag-desisyunan namin na sa sunod na Linggo na lang kami mag-simba.

Nangalumbaba ako sa aking mesa, wala ang teacher namin pero nag-iwan pa rin siya ng gawain. Buti at natapos ko na din.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng katabi ko na si Yuki.

Tinignan ko naman siya, magulo ang buhok niya at yung mata niyang singkit ay mukhang inaantok. Nanliit ang mata ko sa kanya,

"Oo naman. Mukhang ikaw nga ang di maayos jan." Pagkasabi ko nun ay nag-iwas siya ng tingin.

Kinuha niya ang kanyang cellphone nang bigla iyong tumunog. Sinulyapan niya ako saka siya tumayo para magtungo sa harap.

"Assemble daw tayo sa open gym, P.E. class natin so wear your P.E. uniform." Pagkasabi niya nun ay nag-hiyawan ang mga kaklase ko. Halatang paborito nila ang P.E. class.

May mga nauna ng lumabas para magpunta ng locker area. Sumunod na rin ako, kasabay ko sina Wella, Cassandra at Ayesha.

Napasulyap ako sa Section Crystal nang makita si Thala doon. Oh well papel, nalipat na pala siya jan kahapon. Ang saya-saya nga niya dahil magkalapit na daw ang classroom namin.

Kumaway siya sakin ng makita niya ako kaya kinawayan ko rin siya pabalik.

Nang makarating na kami sa locker area ay agad na naming kinuha ang aming uniform.

"Sabay na tayong apat na magpalit sa CR." Saad ni Ayesha.

"Eww! No way!" Maarteng banggit ni Wella.

"No way ka jan! Sabay-sabay na para hindi matagal!" Giit ni Cassandra na siyang sinangayunan namin.

Wala na rin naman siyang nagawa nang hilain na namin siya papasok sa CR. Bahala na kayo mag-isip kung paano kami nag-kasya. HAHAHA.

Nang matapos ng mag-bihis ay dumiretso na kami sa open gym. Sakto lang naman ang dating namin dahil pinapalinya pa lang kami.

Dumako ang tingin ko sa harap nang makita bow and arrow.

Sa di kalayuan naman ay merong pabilog na target. Sa pinaka gitna ay kulay pula, sumunod ay dilaw, asul at berde.

Better than Words ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin