Chapter 17

366 18 0
                                    

Xiellara

Nasa labas na kami ng bahay, paalis na kasi sila Zues may pupuntahan pa raw kasi sila. Pati si Thala ay uuwi na din.

"Tita alis na po kami," pagpapaalam ni Thala.

"Salamat po sa lunch," banggit ni Cairo.

"Ang sarap po ng luto niyo," sabi ni Lex saka hinimas ang kanyang busog na tiyan.

"Gago, hindi yun niluto! Yun yung ni-request mo kanina na ulam!" Banat sa kanya ni Darren.

"Maka-gago ka jan, ikaw nga nagsabi na Chooks-to-go!" Banat pabalik ni Lex saka dinuro si Darren.

"Ang importante mga pre... Nakakain tayo," tinapik tapik pa ni France ang braso nung dalawa niyang kaibigan.

"Sige po Tita aalis na po kami, next time po ulit. Thank you po sa lunch." Magalang na sabi ni Zeus.

"Anytime hijo, dalaw ulit kayo sa susunod." Ngumiti si Tita saka kinawayan ang papaalis na sina Zeus.

"Sure Tita. Bye po," Saad ni Zeus saka ako binigyan ng sulyap. I just rolled my eyes at him.

Halos maghapon rin kami di nag usap dahil sa ginawa niya. Naiinis pa rin ako.

"Oh sige na pumasok na tayo," nauna ng pumasok si Tita saka namin siya sinundan ni Kira.

"They are a good kids. Naalala ko rin ang mga kaibigan ko nung kabataan ko." Binigyan kami ng makahulugang tingin ni Tita.

Nagtinginan na lang kami ni Kira.

"Oh sige, maghugas na kayo ng pinagkainan. Linisin niyo na itong sala pati na rin yung kusina, kung sakaling hahanapin niyo sina Rem at Loewen, nasa garden sila nag-lilinis."

Iniwan na kami ni Tita sa sala dahil dumiretso na siya sa kanyang opisina.

Biglang naging the flash kami ng pinsan ko dahil sa bilis namin pag agawan ang walis tambo.

"Ako ang nauna!" Sigaw ko habang hawak naming dalawa ang tambo.

"No! Ako!" Hinila sakin ni Kira ang tambo.

"Ako sabi eh! Doon ka sa kusina!" Syempre hinila ko ulit yung tambo sa kanya.

"Ayoko! Ikaw doon sa kusina!" Saka hinila niya ulit.

"Fine. Fine." Pagsu-surrender ko saka pinaubaya sa kanya ang tambo.

"Yehey! Tenkyu! Labyu!" Aniya saka masayang nagwalis sa bawat sulok ng sala.

Ang lawak lawak nitong bahay pero nag iisa lang ang walis tambo ampota.








Hay lunes na naman. Yung weekend namin ay parang limang segundo lang, jusko.

Maaga kaming nagising ni Kira, sinabi ko kasi sa kanya na magpapa-register na ako sa music club. Ang loka, tuwang-tuwa.

"Bye Mommy!"

"Bye Tita!"

Paalam namin kay Tita.

"Mag-iingat kayo." Aniya.

"Opo." Sabay naming sagot ni Kira saka nagpunta na sa loob ng sasakyan.

Mapangiti naman ako kasi improving na ang pakikitungo sakin ni Tita. Kahit naman minsan ay mataray siya sakin love ko pa rin siya.

Better than Words ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt