Chapter 26

332 17 0
                                    

Xiellara's POV

"Dangsin-ui seobiseue, nae yeoja." Then he gave me his signature smirk.

(At your service, mi lady.)

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para suriin siyang mabuti.

Damn! Siya nga!

"Long time no see, Lara Croft." Aniya saka ginulo ang buhok ko.

Lara Croft. Yan ang tawag niya sakin, dahil pangalan yun ng bidang babae sa Tomb Raider na paborito niyang pelikula.

"Ikaw nga talaga yan!" Bulalas ko.

"Yep."

"Grabe! You grew up!" Sabi ko.

Binigyan niya ako ng ngiti saka siya sumubo ng pagkain.

"Ikaw rin naman. Mas lalo kang pumangit. Hahaha!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon, pero tinawanan niya lang ako.

"Mapang-asar ka pa din kahit kailan." Banggit ko.

"Teka nga, kailan ka pa bumalik dito?" Dugtong ko.

"Last week lang, actually." Kibit-balikat niyang sabi.

"At bakit ka nakatambay sa harap ng mansyon ng Tita ko?" Sabi ko sa tinig na nagdududa.

"I'm visiting you. Ikaw kasi gusto kong makita pag-uwi ko dito sa Pilipinas. And then, I found you here, also in San Luna." Aniya.

"And, how did you found me? Eh, umalis nga kami sa Lastella Pillar." Tukoy ko sa aming hometown. Kung saan ako lumaki, pero lumipat kami dito sa San Luna nang umalis ang Mama ko.

"I have so many ways, Lara Croft." Then he let out a soft chuckles.

Nixon Jung. My half-korean childhood friend. Siya ang nag-iisa kong kaibigan sa Lastella Pillar. He is one year older than me. 17 years old na siguro siya ngayon. Mula day-care hanggang grade 1 ay siya ang naging kaibigan ko. Yes, I can remember it clearly. Lagi niya nga akong inaasar na Lara Croft.

And yes I admit, gumwapo siya. With his chinky eyes, perfect jaw line, narrow nose, thick eyebrows, masculine body and last but not the least, his signature smirk.

Muntik ko ng mabitawan ang kutsara ko nang biglang pumasok sa isip ko ang pagmumukha ni Zeus na nakangisi.

Ipinilig ko ang ulo ko para alisin siya saking isipan. Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

Kinuha ko ang cellphone ko saking bag. Tinignan ko si Nixon na naktingin din sakin.

"Sige na, sagutin mo na." Aniya.

Tinanguan ko siya saka tumayo para sagutin iyon.

Kirangots Calling...

"He----"

["Lara! Na saan ka na ba? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo! Buti sinagot mo itong tawag!"] Bungad niya.

"Andito ako sa isang mamihan, uh.. tatlong kanto mula sa University, pagdating sa ikatlong kanto, lumiko kayo sa kanan. Makikita niyo agad." Paliwanag ko.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now