Chapter 57

133 11 1
                                    

Xiellara

Ngayon ang unang araw ng klase namin sa January. And yep, tapos na ang celebration ng bagong taon.

And of course, nagamit na rin namin ni Kira and regalo sa amin nung birthday namin. Ang saya-saya ko!

Naka-ngisi akong bumaba sa sasakyan ko na kasalukuyan kong ipinark sa parking lot ng University.

Dinig ko ang pagsara ni Kira sa kanyang sasakyan saka tumawa.

"Ang sarap sa feeling na may sarili ka ng sasakyan." Aniya kaya't napatango ako.

Valleno University is one of the most prestigious and luxurious school in our City. Kaya hindi rin naman kataka-taka na maraming nakapark na sasakyan sa parking lot.

Nag-umpisa na kaming maglakad sa corridor, at natanaw pa namin ang field.

Pagkaakyat sa building namin ay kita namin ang mga pagbabago ng bawat istudyante. May short hair na, nagpa-straight, nagpakulay, at iba't ibang taste sa sapatos. May nag-uusap-usap rin tungkol sa mga nakuha nilang regalo at sa lugar na pinuntahan nila.

Tinapik ako ni Kira sign na papasok na siya sa kanyang klase. Tinanguan ko naman siya bilang sagot saka na rin pumasok sa aming klase.

I glanced at my usual seat. Naroon na sina Nixon at Yuki parehas na may pinaguusapan. Pagkaupo ko ay para naman silang nakakita ng multo at bigla-bigla na lang hindi nagsasalita.

"May problema ba?" Tanong ko.

"W-Wala naman." Sagot ni Yuki.

Kumunot ang noo ko. Hindi kapani-paniwala ang kanyang sagot. Para kasing may problema.

Aksidente akong napatingin sa bintana na malapit sa upuan namin.  Agad akong napatayo dahil sa labis na pagkagulat at inis na nararamdaman ko.

Napatingin rin doon sina Nixon at Yuki, katulad ko ay napatayo rin sila. Hindi ko na sila nilingon at lumabas na agad sa room namin.

Dumiretso ako sa likod ng building namin kung na saan ang maliliit na bakod sa pagitan ng college department.

Hingal na hingal akong tumingin kina Brielle at France.

Hawak ni France ang kanang braso ni Brielle nang sobrang higpit at nakaguhit ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mukha. Parang anytime ay maiiyak na siya.

"France! Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ko at lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa.

Wala masyadong tao dito sa likod dahil siguro ay nasa classroom na ang mga college students.

Binitawan niya si Brielle.

"Xiella, makinig ka saki---"

"F-France!" Saka na umiyak si Brielle.

"Brielle!! Kailangan niyang malaman ang tungkol sa kahayupan ng Kuya mo!" Sigaw niya dito.

"P-Pero pwede namang hindi ngayon!" Ani Brielle na parang nanginginig.

"Bakit hindi ngayon? Kasi pagtatakpan mo pa ang Kuya mo?" Tuluyan ng napahagulgol si Brielle dahil sa sinabi ni France.

Teka! Ano ba ang nangyayari?

Umiling-iling si Brielle.

"Ang Kuya niya Xiella, siya ang nagkidnapped sayo at kay Zeus noon!" Tuluyang sigaw ni France na naging dahilan para matuod ako sa aking kinatatayuan.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now