Chapter 33

336 18 0
                                    

Xiellara

Kabado ako habang naglalakad kami papuntang cafeteria para mananghalian.

May mga nagtitinginam samin, tapos maya't mayang magbubulungan dahilan para mas lalo akong mahiya.

Napatingin ako sa kamay namin. Hindi maluwag at hindi rin naman mahigpit ang pagkakahak ko sa kamay niya. Samantalang siya naman ay mahigpit at paminsan-minsan niyang pinipisil.

Sinilip ko ang mukha niya para makita ang kanyang reaksyon. Pero nakangisi lamang siya at mukhang tuwang-tuwa pa.

Alam niya kaya na gusto ko na siya kaya niya ginagawa to?

Nang makarating na kami sa cafeteria ay naghanap na siya ng mauupuan namin.

"What do you want for lunch?" Tanong niya.

"Kahit ano."

"Wala silang tindang kahit ano dito."

"Basta yung walang sibuyas." Sagot ko.

"Okay. Hintayin mo lang ako dito." Tumango ako sa kanya saka na siya lumakad para um-order.

Nang masigurado kong malayo na siya ay tinakpan ko ang mukha ko dahil sa init nito.

"Tang'na." Mura ko habang sapo-sapo ang aking pagmumukha.

Kinagat ko ang ibabang labi ko,

Kingina! Kinikilig ba ako?!

Ilang beses akong huminga ng malalim pero hindi pa rin mawala yung kilig na nararamdaman ko. Marahan na lang akong ngumiti, damn this weird feeling! It can literally make you look like an idiot.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Zeus na dala ang pagkain. Inilapag niya iyon sa table saka naupo sa harapan ko.

Tinitigan ko lang siya habang inaayos niya ang pagkain.

Binawi ko ang mata ko sa kanya saka na itinuon iyon sa pagkain. May tinolang manok, kanin, fruit tea, chocolate cake saka tig-isa pa kaming Dutchmill.

"Kain na." Aniya.

Sumubo na ako ng pagkain.

"Sila na ba?"

"Sweet nila no?"

"Hindi sila bagay."

"For sure pinaglalaruan lang yan."

Nabitawan ko ang tinidor ko dahil sa narinig.

"May problema ba?" Tanong ng Diyos.

Umiling naman ako.

"For sure pinaglalaruan lang yan."

Right Xiella. Alam mo naman notorious playboy yang kasama mo. Alam mong marami na yang pinaiyak at iniwan.

Pano na yung plano ha? Ang bobo mo talaga Xiella.

Uminom ako ng fruit tea,

"Dalian na lang natin kasi may Battle of the band pa kami mamaya." Saad ko.

"Okay. I'll watch you later." Aniya saka ngumuya.

Tinapos ko na ang kanin at ulam saka ko na kinain ang dessert. Napahinto ako sa pagngunguya.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now