Chapter 16

380 19 0
                                    

Xiellara

Nang matapos namin ipakilala si Thala kay Tita ay sa kusina ang bagsak namin. Kasalukuyan kaming naghahanda ng mga ingredients para sa ilulutong ulam nila Kuya Rem.

Dinig na dinig ko ang pag singhot ni Kira habang naghihiwa siya ng sibuyas. Tinignan ko si Thala na hinuhugasan ang spinach at Baguio beans sa lababo. Halatang alam na alam niya ang kaniyang ginagawa dahil hilig niya ang pagluluto.

Sunod ko namang tinignan ang dindikdik kong luya na halatang na-murder ko na dahil sa sobrang pino.

"Ang sama mo Kuya Loewen, bakit dalawang sibuyas pa ang kailangan mong ipahiwa sakin? Huhu," tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ni Kira dahil sa paghapdi ng kaniyang mata. Halatang hindi talaga siya marunong pagdating sa kusina. *Face palm*

Natawa na lang sila Kuya Loewen sa pagmamaktol ni Kira. Ng matapos na rin nilang hugasan ang baboy ay inilapag nila yun sa mesa. Itinabi ko na rin sa baboy ang dinikdik kong luya------

Teka, ba't baboy?

Diba may African swine fever ngayon?

"Mga Kuya, bakit baboy? Eh diba merong African swine fever?" Tanong ko.

Napatigil sa pag-sindi ng stove sina Kuya Rem saka tumingin sakin. Ganon din sina Kira at Thala.

"Oo nga naman!" Pag-sang ayon sakin nung dalawa.

"Hindi ako yan, si Rem yan." Tinuro ni Kuya Loewen si Kuya Rem.

"Anong ako? Ikaw yun!" Dahil doon ay nakatanggap ng isang malakas na batok si Kuya Loewen.

"Boplaks! Ikaw nga eh!" Si Kuya Loewen naman ang bumawi ngayon ng isang palatok.

"Aray! Ikaw yun!" Sigaw ni Kuya Rem saka dinuro si Kuya Loewen habang hinihimas ang kanyang ulo.

Saglit napahinto si Kuya Loewen na parang may inaalala.

"Ay teka.... Si Ma'am Karylle pala ang nagpabili niyan." Banggit niya habang pumipitik-pitik sa ere.

Weh? Sina Kuya Loewen isip-bata?

Saglit kaming nagkatinginan nila Kira.... Pagkatapos ay humagalpak kami ng tawa dahil sa nasaksihan namin.

Nangmahimasmasan ay napatuwid na kami ng tayo saka muli namin silang hinarap. Naka-kunot na ang noo nila ng makita namin.

"Hehe, sasabihin na lang muna namin kay Mommy na bibili na lang ng lutong ulam." Nauna ng naglakad si Kira kaya sinundan na namin siya ni Thala. Sina Kuya Rem ay andun pa rin.

Pagkadating namin sa sala, naabutan namin ang limang bakulaw kasama si Tita na nagkwe-kwentuhan na naman. Kailan ba matatapos ang kwentuhan nila? Tapos, ano-ano kaya ang mga pinagkwe-kwentuhan nila? Jusko!

"Ehem, Mommy bili na lang kami ng lutong ulam kasi diba, bawal ang baboy ngayon dahil merong African swing fever." Banggit ni Kira.

Napa-face palm naman ako dahil sa sinabi niyang swing imbes na swine.

"African swing fever? Sakit ba yan ng baboy na mahilig mag-swing?" Banat ni Cairo saka nagtawanan ang limang bakulaw kasama si Zeus doon sa tumawa.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now