Chapter 56

161 10 0
                                    

Xiellara

Kasalukuyan kaming naghahanda para sa pagsalubong sa bagong taon. Nasa kusina kami ni Kira at ng iba pang kasam-bahay.

Kunti lang salo-salo namin sapagkat hindi makakadalo ang iba naming mga kaibigan.

Lumipas ang ilang oras ay pinagpahinga muna namin ang mga kasam-bahay at pinagmeryenda.

Akmang iinom pa lang ako nang biglang sumigaw sina Mama at Tita mula sa sala kaya't dali-dali kaming nagpunta doon ni Kira.

"Mommy/Mama!" Sigaw namin.

"Happy Birthday!" Yan ang bumungad sa aming dalawa ni Kira.

Banner, party popper at dalawang cake. Isang chocolate cake na hawak ni Mama at vanilla cake naman ang hawak ni Tita.

"Happy Birthday to the two of you." Muli nilang sabi.

I smiled and laughed sweetly.

How can I forget that?

Today is December 31, my birthday. Hours later will be January 1, Kira's birthday. And we'll be turning 17 at the same time!

Ngumisi kami ni Kira at napatingin sa isa't isa.

"17 years old na tayo!" Sigaw namin habang magkalapat ang dalawa naming kamay at nagtatatalon sa tuwa.

"Here's the gift..." Sabay na sabi ni Mama at Tita.

May inabot sila sa aming tig-isang maliit na kahon, sakto lang sa palad naming dalawa.

Sabay naming kinuha yun at nagmamadaling binuksan.

Nagulat ako nang bumulaga sa akin ang isang susi. Pagtingin ko kay Kira ay ganoon din ang meron sa kanya.

"Susi ba to para sa baol na may maraming kayamanan?" Usal ni Kira.

"O baka susi papuntang kabilang mundo?" Sabat ko.

My Mom ang Tita chuckled because of that thought.

"Nasa garahe ang sagot." Sagot ni Tita.

Nanlaki ang mata ko at hinila ang lutang kong pinsan papuntang garahe namin.

"OH EM GEEZ!" Sigaw naming dalawa.

"Gray for you and black for Kira." Tugon ni Mama.

Lumapit ako sa kulay abong Porsche. Shit!

"Thank you Ma!" Pagkatapos ay dinamba ko ng yakap si Mama. Yung sobrang higpit

"Kasama na yan sa mga taong hindi kita nakasama sa kaarawan mo." Then she kissed mo on my forehead.

"It's......too much." Wika ko.

"Thank you Mommy!" Banggit din ni Kira sa kay Tita.

"Your reward for being a good daughter," sagot naman ni Tita.

"Can we try?!" Tanong naming dalawa.

"No. Maraming nagpapaputok sa labas." Saad agad ni Mama.

Bahagya akong ngumuso. Tama naman siya.

"Okay."

"Keep your keys. Tapos balik na kayo sa kusina,"

"Owkaay!"







Masaya kaming bumaba mula sa hagdan ni Kira. Suot ang aming simpleng dress.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now