Chapter 22

355 15 0
                                    

Xiellara

My Mom, my Mom is here.

"M-Ma.." nanghihina kong banggit sa kanya.

"Shhhh. I'm here now Xiella." Hinagod-hagod niya ang aking likod para patahanin ako sa pag-iyak.

"Khione, sa tingin ko ay kailangan muna nating umuwi. Hindi natin alam kung may mga nakatunog nga ba sa pagdating mo," paliwanag ni Tita Karylle kay Mama.

Ramdam ko ang pagtango ni Mama sa sinabi ni Tita. Bahagya siyang lumayo sakin para paghandaan ang pagpunta sa bahay. Tinignan niya si Kira saka ngumiti, ganon din ang isinukli ng pinsan ko.

"Kira.." banggit ni Mama.

"Hi po Tita." Ani ng aking pinsan.

Ipinulupot ni Mama ang balabal sa kanyan mukha na ngayon ko lamang napansin na dala niya, pagkatapos ay nagsuot siya ng shades.

"M-Ma, bakit ganyan ang ayos mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo pa maiintindihan 'nak." Saka niya ako nginitian.

Umalis na kami doon pagkatapos ay dumiretso na sa parking lot para sumakay sa sasakyan ni Tita. Tahimik lang kami buong byahe. Hindi pa rin ako makapaniwala! Ang kaninang iniisip kong imposible ay ngayon nakaupo sa front seat.

Nilingon ko ang katabi kong si Kira.

"Hindi ako makapaniwala." Sabi niya sa paraang kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Me too, it's been a years." Saad ko.

Nang makarating kami sa bahay ay agad na kaming dumiretso sa sala. Ang mga pinamili namin ay nakalapag na lang muna sa sofa.

Tinanggal na ni Mama ang kanyang shades at ang nakapulupot sa kanyang leeg at mukha. Pinasadahan niya ng tingin ang mansyon ni Tita saka marahang ngumiti. I don't know how to deal with her right now. Ang totoo ay may kunting galit akong nararamdaman sa kanya, pero mas nangingibabaw ang kalungkutan at saya.

Hindi ko pa rin mapagtanto kung bakit niya ako iniwan tapos ay babalik siya pagkalipas ng ilang taon.

"Xiella," banggit niya saking pangalan.

Nakaupo si Mama sa sofa kaya't naupo rin ako sa tabi niya. Muli na namang nangilid ang aking luha. Na-miss ko talaga siya.

"Magkahawig talaga kayo ng Papa mo," aniya saka inilagay ang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga.

Alam kaya niya na wala na si Papa?

"Wala na si P-Papa," marahan kong banggit.

Ngumiti siya ng mapait, saka tumango. Kung ganon alam niya? Pero bakit hindi siya nagpakita?

"You knew? But you didn't even bother to see him in his f-funeral?" Nagbadya na namang tumulo ang aking luha pero pilit ko pa rin yung pinipigilan.

"I was there Xiella, pero kinailangan kong hindi magpakita kahit gustong-gusto ko." Paliwanag niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi mo maiintindihan," saad niya.

"Hindi ko talaga maiintindihan Ma! Kasi hindi mo naman pinapaintindi," nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil doon.

"Hindi pa sa ngayon Xiella, maybe in right time." Paliwanag niya.

"Kailan pa yang right time na yan? When you're away again?" Pagkatapos ay yumuko ako para punasan ang luha ko.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now