Chapter 62

148 13 0
                                    


Enjoy reading everyone★

Xiellara

"Ohlala! Ang ganda-ganda mo teh!" Papuri ng babaeng nag-ayos sa akin. Hair and make-up.

"Hahaha! Naku Ate Shine ha, pinapalaki mo ang ulo ko." Sabi ko dito.

Ate Shine ang pangalan niya. Siya ang ni-hire ni Mama para mag-ayos sa akin. Samantalang yung kambal naman niyang si Ate Rain ang kay Kira.

"Hindi ah! Tignan mo, bagay na bagay sa yellow gold mong ball gown!" Tapos pinatayo niya ako at hinarap sa body size mirror.

Kinulot sa dulo ang mahaba kong buhok at naka-style din ito ng waterfalls sa magkabilang gilid. Light make up lang ang akin na bumagay naman sa pagmumukha ko. Yellow gold din ang napili naming ballgown, it's off shoulder.

*Tok tok tok!*

Napatingin kami sa pinto pero si Ate Shine na ang nagbukas nun. Nakangiting bumungad si Mama sa akin saka pumasok.

"Ang ganda naman ng anak ko." Tapos lumapit siya sa akin.

"Sus, nambola pa." Saad ko.

"Tara na sa baba, naghihintay na ang escort mo." Napamaang ako sa sinabi ni Mama.

"A-Anjan na siya?" Tanong ko, kaya naman tumango siya.

"Tara na Madame, mukhang anjan na ang jowa ng anak niyo. Hahaha!" Halakhak ni Ate Shine kaya napanguso ako, nagpipigil ng ngiti.

Lumabas na kami sa kwarto, napatingin din ako sa kwarto ni Kira nang lumabas na rin siya doon.

"OMG! Xiellaaaaa! Ang ganda mo! Ang ganda nateeeeen!" Saka siya akmang tatakbo pero hinawakan siya ni Tita.

"Naka-heels ka Kira, wag kang maglikot." Saway niya, kaya ngumuso rin itong si Kira.

Baby blue ang kulay ng ball gown ni Kira, katulad ko ay off-shoulder din iyon. Maayos na naka-donut bun ang buhok ni Kira with braid design na kapalibot doon. Medyo loose yun na nagmukhang messy, pero bumagay yun sa kanya.

Sabay kami bumabang dalawa at agad nagpunta ng sala. Tumayo naman ang dalawang naghihintay doon, sina Cairo and Zeus, ay mali! Apat sila! Ksama ang Mommy ni Cairo at yung Mommy ni Zeus!

Dinaluhan agad ni Cairo si Kira, samantalang naglakad na lang ako papalapit kay Zeus dahil mukhang wala naman siyang balak na daluhan rin ako.

May suot akong cute size na sling bag na nakasukbit lang sa isa kong balikat, naroon na ang cellphone at wallet samantalang hawak ko naman ang invitation.

"Ah, hehe. Good evening po Tita Zeliah." Medyo nahihiya kong bati.

"Good evening too, Xiella. By the way, you look beautiful." Ngiti niya sa akin.

"Salamat po." Sabi ko.

"So, do you love my son?" Tanong niya habang ngiting-ngiti.

Napalunok ako at tumingin kay Zeus. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.

I cleared my throat before speaking.

"I love him so much Tita Zeliah, more than you think." Sagot ko sa kanyang tanong na nagpalawak ng kanyang ngiti.

"Thank you for loving my son that much, hija." Aniya kaya ngumiti na lang ako.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now