Chapter 5

537 22 0
                                    

Xiellara

Ilang linggo na rin ang nakaraan mula noong nabugbog si Zeus. Ilang linggo na rin niya akong pine-peste. Puro bangayan ang naging daily routine naming dalawa.

Merong isang araw na pinatawag niya ako sa opisina nila, at ginawa niya akong utusan! Ipag-timpla ko raw siya ng kape. Noong una ay hindi ko sinunod, pero may naisip akong kalokohan kaya ginawa ko rin. Imbes na asukal ang ilagay ko, asin ang hinalo ko doon. Nag effort pa akong manghingi ng asin sa cefeteria. Todo ngiti ako ng ibigay ko na sa kanya yung tinimpla kong kape, tapos humagalpak na ako ng tawa nang tikman niya iyon. Halos sigawan niya ako dahil sa ginawa ko. Natawa na rin Lex dahil doon, kaya nag-apir kami, kasi trip ko lang.

The next day, bumawi ang loko. Yung locker ko nilagyan niya ng butiki! Takot ako sa butiki kaya todo sigaw ako, kasama ko pa si Thala na napasigaw rin dahil sa nakita niya. Bigla na lamang nag init ang dugo ko, tapos sakto nakita namin si Cairo. Tinanong ko kung nasaan ang bwiset niyang kaibigan. Sinabi naman niya na nasa cafeteria daw, kumakain. Agad namin siyang pinuntahan doon, kinuha ko yung mga crumpled paper na naipon ko sa bag saka ko saka ipinagsama at ibinato ko sa ulo niya. Ayon sapol! Agad siyang tumingin sa gawi namin. At dahil mas loko ako sa kanya sumigaw pa ako ng "EAT WELL! GAGO!"

Mabuti na lang dahil sabado ngayon, makakapagpahinga ako sa kagaguhan niya. Tss.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Kira. Hindi pa ako makapag-isip ng maayos tungkol sa paghingi niya ng tawad. Kailangan ko ng matinong advice.

What if si Thala?

Agad kong idinial ako numero ni Thala. Ilang segundo pa ay sinagot na niya rin.

"Hi Xiella!"

"Hello. Hehe."

"So, napatawag ka?"

"Ahm. Okay lang ba kung magkita tayo?"

"Hmm. Sure! Wala naman akong gagawin. Saan ba?"

"Sa..sa City Mall doon sa may Cara Cafe. Okay lang? I just need some advice kasi. Mga around 3pm."

"Oo naman! Sige see you there."

"Thanks. Byee."

Nang mapatay ko na ang tawag ay nahiga ako sa aking kama. 1 p.m. pa lang naman, dalawang oras pa.

In-alarm ko ang cellphone ko ng 2p.m. dahil matutulog muna ako.













Thala

"Sino yung tumawag?" Tinignan ko ang pinsan ko na nasa likod ko lang pala.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya.

"At bakit naman aber?"

"Nagtatanong lang naman!" Yamot niyang saad. Pabebe as ever.

"Ba't ka ba andito sa pamamahay ko?" Muli kong tanong kay Zeus. Yep, siya ang pinsan ko.

"Hindi mo to pamamahay Thala. Kina Tita ito. Tss." Inismaran ko lang siya at nagpunta na ng kusina para kumuha ng maiinom.

Sinimulan ko ng buksan ang ref habang siya ay nakaupo sa isa sa mga upuan na nandito. Kinuha ko ang pitsel ng tubig at baso saka ko inilapag sa mesa, tsaka nagsalin na ako ng tubig. Samantalang siya ay nakatutok lamang sa cellphone niya hanggang sa inilapat na niya iyon sa kanyang tenga. Tapos tumayo siya para lumayo na parang may importante siyang kakausapin.

Better than Words ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt