Chapter 3

643 28 0
                                    

Xiellara

Tahimik akong pumasok sa mansyon, nadatnan ko si Tita na nakaupo sa sofa. Suot niya ang kanyang salamin at nakalagay ang laptop sa kanyang mga hita habang nagtitipa, kasama ang pinsan ko na si Kira, na anak niya.

Napatigil ako nang marinig ko ang masayang tawanan nila. Ngumiti ako ng mapait dahil doon.

Masaya sila kahit wala ako.

Si Kira ay nagaaral din sa Valleno University, hindi siya pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapansin ako ni Kira.

"Lara! You're here na! Halika dito."

"Oh, nagmamadali ako. Maybe later na lang." Kako saka mabilis na umalis doon.

Kira and I, we're really close at each other. She's my first best friend. Pero kahit ganon ay hindi ko pa rin siya nararamdaman as my best friend. She treats me as nothing lalo na sa school. And she broke my trust to her. She broke her promise to me.

She promise me na hindi niya ako iiwan, pero bakit noong namatay si papa wala siya sa tabi ko? Nagtiwala ako sa kanya pero siya mismo ang sumira nun.

Naupo ako sa sulok ng kama saka napabuntong hininga. Nagbihis na ako nang pambahay pagkatapos ay naupo sa study table ko. Inayos ko na lahat ng gagawin ko. Pinatong ko na ang makakapal kong libro at worksheets nang biglang tumunog ang phone ko.

Thala Guiverra sent you a friend request.

Ang nakakunot noo kong expression ay napalitan ng maliit na ngiti. How did she even find my facebook account?

I accepted her friend request at wala pang ilang minuto ay nagchat siya sakin.

Thala: Hi Xiellara! Ang hirap mahanap ang fb mo, napaka dnd mong tao.

Xiellara: Hello. Hindi ko kasi masyadong ginagamit kaya minsan lang mag online.

Saka wala naman akong ichachat except for the gc's and other school purposes.

Thala: Btw, don't forget to have a lunch with me tomorrow!

Xiellara: I won't. I'll see you tomorrow.

Thala: Yep, see you!

I reacted heart on her last message. I was about to put down my phone when an unexpected notification pop on my friend request again.

Zeus Guiverra sent you a friend request.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa nakita. Why is he even sending me a friend request. Lakas ng amats. Binalewala ko na lang iyon.

And wait Guiverra? That's the same surname as Thala. Are they relatives or something?

Because of curiosity, I checked on Thala's wall. I keep on scrolling down, pero puro shared posts ang laman ng timeline niya. So I checked on her photos hoping to find an answer to feed my curiosity.

And there I saw a picture of them, pointing at each other with a hand gun gesture.

With my stupidest, psychopathic, mentally unstable, depression's companion, gorilla, self proclaimed handsome but the truth is handsama ng istura cousin @Zeus Guiverra.

Napahalakhak ako sa napakahabang caption na iyon. Magkakasundo nga talaga kami ni Thala.

Nag scroll pa ako sa mga pictures nila hanggang sa natauhan na lang ako nang mapatingin ako sa orasan ng aking phone. Damn, it's almost dinner time, at ang sinabi kong pag aaral ay nauwi sa pangs-stalk.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now