Chapter 9

485 22 0
                                    

Xiellara

Tinignan ko ang reaction ng aking pinsan, kasalukuyang masama ang tingin niya kay Cairo. If looks could kill, that guy would probably lying unalive at his spot.

"How about we talk Kira?" Hindi nagpatinag si Cairo at diretso lamang ang titig nito sa pinsan ko.

"Ha, just keep your dialogue to yourself. I'm getting out of here." Frustrated ang pinsan ko na tinalikuran siya.

Pero agad rin naman siyang huminto nang hablutin ni Cairo ang kanyang braso. Marahas na binawi ni Kira ang kanyang braso saka hinarap ang direksyon ng lalaki.

"Leave me alone. You fvcking asshole."

Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya, napatingin tuloy sa gawi ko sina Zeus at Yuki.

Cairo was flabbergasted because of what he heard. Sinundan ko ng tingin ang pinsan ko na lakad-takbo ang ginawa makaalis lamang sa cafeteria.

Humakbang ako papalapit kay Cairo.

"Ano bang ginawa mo? Ngayon ko lang nakita na ganyan kagalit ang pinsan ko."

He didn't bother looking at me, instead he was still staring at the entrance of cafeteria where my cousin left. You can see how his expression softened.

Man, you're whipped.

"Whatever. Make sure you wouldn't do anything stupid at her or I'll skin you alive." Hinarap ko sina Zeus at Yuki na parehong nakatunganga sa mga nangyayari. "Yuki, let's go. We still have our next class."

Lakad takbo ang ginawa ni Yuki papunta sakin. I gave a glanced at Zeus one last time before turning around.

"Let's eat lunch toge—"

"Kumain ka mag isa mo." Tapos ay tuluyan ko na silang tinalikuran.

Habang naglalakad ay naaninag ko si Thala at Kira sa di kalayuan, nakaupo lamang sila sa mga bench na nasa mini forest ng University.

"Yuki, sunod na lang ako sa room. I'll go check my cousin first."

"Sige, basta bilisan mo dahil malapit na ang next subject." Saka niya pinitik ang noo ko. Bago pa ako makabawi ay mabilis na siyang tumakbo papunta sa building namin.

Jerk.

"Yow!" Bungad ko sa dalawa pagkarating ko sa kanilang pwesto.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang ipakilala ko silang dalawa sa isa't isa at pareho naman silang nagkakasundo. They immediately became friends now.

Nakabusangot ang mukha ni Kira samantalang natatawa habang umiiling-iling naman si Thala. I guess she already knew what happened.

"Xiella, look at your cousin's reaction. Hahaha! She's so red, dahil ba sa inis or sa kilig?" Saka ulit humalakbak si Thala habang nakaturo ang kanyang daliri kay Kira.

"Isa pa talaga Thala, bibinggo ka na sakin." Seryosong banat ni Kira saka binaon ang kmukha sa kanyang palad.

"Oh, eh ba't nasa labas ka rin sa oras ng klase?" Tanong ko kay Thala.

Unti-unting naging peke ang kanyang tawa saka nag iwas ng tingin.

"Forda friendship goals talaga tayong tatlo no?"

"I didn't mean to fell asleep during class hour." Pag amin nito.

"Same." Kira.

Kinurot ko ang pisngi nilang dalawa at agad ring binitawan.

"Pota sakit."

"Papasok na ako, you two should go to your class too." I checked the time at my cellphone.

"Sabay na tayong mag lunch." Kira while checking her uniform.






Lumipas ang ilang oras hanggang sa mag-lunch time na. Gaya ng napagusapan namin na nagkita-kita kami sa cafeteria para sabay-sabay na maglunch.

Nakita ko na agad sila na naguusap sa isang table. Naupo na ako sa tabi nila.

"Yay! Andito na si Xiella."

"Ang tagal-tagal dumating, nagugutom ako." Reklamo ni Kira kaya naman binatukan ko siya.

"Oh sige tara."

Iniwan na namin ang aming gamit sa table saka pumila at nag-order na ng kakainin namin. Nang ako na ang sunod sa pila ay agad kong sinabi kay Ate yung aking oorderin.

Mabilis naman iyon naihanda kaya agad rin akong nakasunod papunta sa aming table.

"Let's eat." Sabi ko ng makaupo na.

Unang subo ko pa lang sa aking kinakain ay agad akong napatayo. Kalahating portion pa lang ng naisubo ko ang nalunok ko.

Something's wrong with my food.

"Xiella, okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Kira. Hindi ko siya sinagot dahil naka stuck lang ang pagkain sa bibig ko. Hindi ko nginunguya at mas lalong hindi ko lulunukin.

Hinila ko silang dalawa papuntang comfort room. Dahil na rin siguro sa taranta ay mabilis kaming nakarating sa destino. Agad kong isinuka ang pagkain na nasa bibig ko hanggang sa merong hindi inaasahang bagay ang kinuha ko sa bibig ko, isang capsule. Nilapag ko yun sa sink saka nilinisan ang lababo.

Tumingin ako sa salamin, nakita ko ang repleksyon ng dalawa kong kaibigan. Parehong nagaalala.

"Sumubo ba kayo ng pagkain niyo?"

"Hindi." Sagot ni Thala, samantalang umiling naman si Kira bilang sagot.

May sasabihin pa sana ako nang bigla na lang akong napaubo. Mabilis akong nilapitan ng dalawa kong kaibigan.

"B-Blood!" Sigaw ni Kira at humugot ng tissue.

"Oh my god! Xiella, are you okay?"

Tinakpan ko ang bibig ko, nagbabaka sakaling huminto ang pag ubo ko. Pero dugo lamang ang sinalo ng kamay ko. Pinunasan at hinugasan nilang dalawa ang kamay ko. Ang nagaalalang mukha ni Kira ay hindi na maipinta, si Thala ay nanginginig at mukhang malapit ng umiyak.

Nauubusan na ako ng lakas kaya mas lalo humigpit ang hawak ko sa lababo.

"Hey, don't tell anyone, okay?" My voice almost wouldn't came out.

"Why?! A-And we need to rush you to the clinic now."

"Just don't tell anyone what just happened here— *cough*"

Hindi ko na narinig ang sunod nilang sinabi dahil binalot na ng dilim ang aking paningin.




I slowly opened my eyes and the first thing I saw is the familiar ceiling of our clinic.

Mabilis akong napaupo sa kinahihigaan ko saka nilibot ng tingin ang paligid. Nahagip ng mata ko ang nakaupong pinsan ko sa gilid.

"Thank goodness you're awake." Bungad nito sakin pagkatapos ay nilapitan ako.

"Anong oras na?"

"It's 3:46 pm. Maguuwian na at ngayon ka lang nagising." Nanghihina niyang sagot.

"Did you tell anyone?"

"No! And for fvck's sake, what the hell is even happening?!" Bigla nitong sigaw na ikinagulat ko.

An attempted murder, obviously.

This isn't the first time that this happened to me.




Better than Words ✓Where stories live. Discover now