Chapter 64

125 16 0
                                    

Kira

Isang buwan na rin ang lumipas mula nang mabaril si Xiella. Nahanap na ang bumaril sa kanya at lahat kami ay hindi makapaniwala kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

Brielle's brother, Gabrielle Herrero, was the one who shot my cousin. While George Valleno, he is the master mind.

Makukulong ng mahigit dalawampung taon si Gabrielle. Samantalang ang hayop na George naman ay panghabang-buhay ng makukulong.

Bukod sa pag-uutos na barilin si Xiella, ay siya rin ang may pakana sa pagkamatay ni Tito Xygun.

Nagulat rin kaming lahat sa isa pa naming nalaman. Xiellara is a Valleno. She's the lost and real heiress of Valleno. Si George ay inampon lamang ng mga Valleno, yun ang kwento sa amin ni Tita. Inayos na rin ng lawyer ni Tito Xygun ang lahat ng papeles para kay Xiella. Paggising na lamang ng pinsan ko ang hinihintay para mapirmahan at maging ayos na ang lahat.

Wala namang bago sa pakikitungo namin kina Brielle at Razel. Walang may gusto ng nangyari. Everything was an unexpected incident. Because of being greedy and insecure kaya nangyari ito.

Na-ipublish ang article about sa Valleno at ang pagbabalik ng totoong heiress. Hindi na umangal si Tita dahil sa pamimilit ng isang media.

Katatapos lang ng klase namin ngayon, kaya naisipan naming dumaan sa Cara Cafè.

Marami ring nagbago, lalo na si Zeus. He's always silent, minsan na lang kung ngumiti, lagi niya ring binabantayan si Xiella.

We miss you Xiella, big time. Ang dami ng nagbago------

"Taenang pandakiko to! Inubos na naman ang cake ko!" Bulyaw ni Nixon kay Razel.

Except them, lagi na lang silang nag-aaway kahit sa maliliit na bagay.

"Eh, binigay mo na sakin to! Malamang uubusin ko!" Sigaw pabalik ni Razel.

"Kailan ko binigay?" Kunot noong tanong ni Nixon.

"Kanina lang. Inusog mo nga sakin eh! Koryanong amnesia boy ka na naman!" Saad ni Razel.

"Inusog ko lang kasi nakalagay yung kape ko. Your really babo, pandakiko!" Saka niya piningot ang ilong nito.

"Araaaaay masakeeeet! Huhu! Yung ilong ko koryangotot!" Binitawan na ni Nixon ang ilong ni Razel.

Napahagalpak kami ng tawa nang makitang pulang-pula ang ilong niya. Wahahahaha!

"Yung ilong mo hahaha!" Turo ko sa kanyang ilong.

"Parang buzzer!" Sagot ni France hinampas siya ni Brielle, na tumatawa naman.

"Tangek! Wag niyong pindutin, mamaya sumabog yan!" Sambit ni Lex.

"Wahahaha!" Mas nangibabaw ang tawa ni Thala at Nixon.

Si Bloom ay napahawak na sa tiyan niya, samantalang parang gusto ng magpagulong-gulong ni Darren. Sa kakatawa naman ni Jane ay binatukan niya si Yuki. Itong si Cairo naman ay nagpupunas na ng luha kakatawa. Ngumiti naman ng maliit si Zeus saka umiling.

Sinamaan naman kami ng tingin ni Razel saka ngumuso.

Napatigil kami sa asaran nang tumunog ang cellphone ko. Si Mommy tumatawag, kaya agad ko iyong sinagot at sinenyasan silang tumahimik.

"Hello Mommy?" Sagot ko

["K-Kira..."] Panimula niya. Hindi ko mawari kung ano ang reaksyon niya sa kanyang boses.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now