Chapter 20

332 15 0
                                    

Xiellara

Sa likod ng library na lang kami dumiretso nina Thala. Nang makarating kami dito ay bigla na lang silang naiyak dahil wala raw silang nagawa.

Naku! Ang drama talaga nilang dalawa.

"S-Sorry talaga wala kaming nagawa," banggit ni Thala habang sapo-sapo ang kanyang mukha.

"D-Dapat talaga sinabunutan na namin yung dalawang bruha! K-Kaso hawak nila kami, s-sorry!" Wika naman ng pinsan ko.

"Ano ba kayong dalawa! Ayos na yun! Tapos na," pagpapatahan ko sa kanilang dalawa.

"H-Hindi yun ayos! Pinagtulungan ka nila at w-wala man lang kaming n-nagawa," saka muling umiyak si Thala ganon din si Kira.

Napangiti naman ako dahil alam kong sincere sila, kahit minsan ay tinotopak silang dalawa ay alam kong anjan pa rin sila pagkailangan.

"Oh tahan na, baka hinahanap na tayo doon." Saad ko habang hinahagod-hagod ang likod nilang dalawa.

"Promise Xiella! Sa susunod sabay-sabay natin silang patutumbahin!" Desididong sabi ni Thala kaya't natawa ako.

"No need to promise me Thala,"

"B-But---?"

"Because promises are meant to be broken. Ang mahalaga ngayon ay magkakasama tayo, nagtutulungan at nagdadamayan." Pagpapaliwanag ko dahilan para maiyak na naman silang dalawa.

*Face palm*

"Aish! Tama na ang drama! Tara na," saad ko.

Tumango naman sila saka tumayo na, ganon din ako. Pinunasan na nila ang kanilang luha saka ngumiti sakin.

Nagsimula na kaming maglakad paalis doon. Sa bawat classroom na nadadaanan namin ay puro maiingay, wala kasi ang ibang mga teacher dahil nanood sila ng elimination at bukod doon ay wala rin kaming pasok mamayang hapon dahil sa meeting ng mga teachers.

Pero kailangan ko pa ring magpunta sa club namin mamaya para sa practice.

Napahinto kami sa paglalakad nang may makita kaming kumpulan ng mga istudyante malapit sa aming building.

"Anong meron doon?" Tanong ko habang nakatingin doon.

"Siguro away na naman..?" Patanong na sagot ni Kira.

Katatapos lang ng away kanina ah?

"Let's see." Hinila kami ni Thala papunta doon sa mga tao.

Nang tuluyan na kaming makarating ay nakipagsiksikan kami sa mga istudyante.

Nag-ugat kami sa aming kinatatayuan ng makita kung sino ang pinalilibutan ng mga istudyante.

"I can fire your parents on our company for doing that to her," hindi man iyon pasigaw pero alam kong narinig ng lahat ng nanonood ang sinabi ni Zeus.

Yes. Si Zeus.

"No! Y-You can't do that!" Naiiyak na wika ni Cara.

"Yes, I can. I am not Zeus Guiverra for nothing." Banggit ni Zeus saka marahang ngumisi.

"Ass-hole!" At tuluyan ng umiyak si Cara saka nagtatatakbong umalis doon.

Isang sulyap lang ni Zeus sa mga istudyante ay nagsi-alisan na sila.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now