Chapter 30

338 19 0
                                    

Xiellara

Pagkadating namin sa mansyon ay mga katulong agad ang bumungad sa amin.

Naabutan namin si Tita sa sala na nakaayos,

"Saan ang punta mo Mommy?" Tanong ni Kira habang katabi kaming dalawa ni Thala.

"Out of town, kailangan ako sa kompanya. Maybe I'll be gone for about one to two weeks. Nandito naman si Manang Aurora at ang iba pang katulong natin. Mayroon ding security guards." Banggit ni Tita.

Napatango kami ni Kira saka sabay na tumingin kay Thala,

"Ah, Tita Karylle. Sleep over po sana ako dito.." nahihiya niyang sabi.

"Oh, sure hija, make your self feel at home." Nakangiting saad ni Tita.

"Thank you po."

Muling bumalik ang tingin samin ni Tita,

"If something might happen, don't hesitate to call me okay? And besides, dadating sina Rem at Loewen dito bukas dahil sila ang magbabantay sa inyo." Litanya ni Tita.

Binitbit na ng isang bodyguard ang bagahe ni Tita palabas,

"Ingat po sa byahe Tita," saad ko.

"Ingat ka Mommy, tawag ka ha? Tsaka yung pasalubong namin. Hehe," Ani Kira.

Natawa naman si Tita, saka niya niyakap si Kira. Nabigla ako ng isunod niya ako sa yakap, Hindi ko inaasahan yun! Kahit si Thala ay nagulat rin dahil niyakap rin siya ni Tita.

"Got to go. My meeting pa kami bago ang flight."

Inihatid na namin siya sa sasakyan, kumaway pa kami sa kanya, pagkatapos ay ipinagmaneho na siya ng kanyang bodyguard.

Agad kaming pumasok sa mansyon nang tawagin kami ni Manang Aurora. Si Manang Aurora ay ang mayor doma, matagal na siyang nagsisilbi dito sa mansyon. Tinatawag lang siya kapag aalis o matagal na mawawala si Tita.

"Nag-meryenda na ba kayo?" Tanong niya samin.

Umiling naman kami bilang sagot,

"Oh siya, mag-bihis na muna kayo saka ko kayo ipapatawag para sa meryenda."

"Salamat po Manang Aurora." Banggit ko.

Nginitian ako ni Manang bilang sagot. Matagal ng mayor doma dito sa mansyon si Manang. Sa tuwing umaalis si Tita ay saka lang siya nagtatawag ng katulong.

Umakyat na kami sa taas, si Thala ay sumama sa kwarto ni Kira bitbit ang kanyang bag. Napag-usapan na rin kasi namin kanina na sa kwarto ni Kira kami matutulog.

Nilapag ko ang school bag ko sa study table at agad kong inihiga ang sarili sa kama. Tinitigan ko ang mga glow in the dark na stars sa aking ceiling.

Napangiti ako, dahil ang mga yun at idinikit pa ni Papa dito sa kwarto ko.

Bumangon na ako saka naghanap ng maisusuot na pambahay. Napatalon ako sa gulat nang marinig ang malakas na kulog na nanggagaling sa labas.

Napahinto ako sa pagkakalkal nang biglang pumasok sa isip ko ang pagmumukha ni Zeus. Ang Diyos ng kidlat, ang Diyos ng babaero.

Pumasok na ako ng banyo, dahil trip kong maligo ngayon. Pake niyo ba sa trip ko?

Pagkabukas ko ng shower ay parang gusto ko ng umatras dahil sa lamig ng tubig! Tang'na!

Better than Words ✓Where stories live. Discover now