Chapter 13

412 20 0
                                    

Xiellara

Kasama ko ngayon sina Thala at Kira dito sa library. Katulad ng sabi ni Thala ay magrereview kami dahil malapit na ang exam namin. Ginagawa din namin ang iba pang requirements na ipa-pass.

Tinignan ko silang dalawa na naka-focus sa kanilang notes, lalo na si Thala. Sabagay, kailangan niya ring ipasa ang exam dahil ililipat na daw siya sa Section Crystal. Sinabi niya sakin kanina ng makasabay namin siya papuntang 2nd floor.

Kadarating lang namin kanina dito sa library dahil katatapos lang ng klase namin kaninang 4pm. Niyaya ko si Yuki kaso may importante pa raw siyang aasikasuhin, kaya next time na lang.

Itinuon ko muli ang atensyon ko sa notebook ko. Science ang binabasa ko about Earth's Interior chu chu kineme na yan.

"Psst." Tinaasan ko ng kilay si Kira dahil sa mahinang pagtawag niya sakin.

"Ano?" Tanong ko.

"Sila Zeus oh. Kasama yung mga kaibigan niya." Aniya saka ini-nguso ang likod ko.

"Kasama mga kaibigan niya?" Napa-angat ang tingin ni Thala dahil sa sinabi ni Kira.

Nilingon nila ang likod ko kaya tinignan ko na rin. Kasama ni Zeus ang apat niyang kaibigan. Si Lex, Cairo, ah ano nga ulit name nung dalawa? Si France ata at saka si Darren. Kaso si Darren ay dumiretso sa isang bookshelf, mukhang may kukunin atang libro.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan. Napa-irap si Kira samantalang napa-iling naman si Thala. Ako naman ay binalik na lang ang tingin sa ginagawa.

"Hi. Pwede ba kaming maki-share ng table?" Mahina pero sapat na para marining namin ang sinabi ni Cairo.

"Hind----"

"Sure." pinandilatan ko ng mata si Kira. Nakakahiya naman kasi kung hindi namin pau-upuin, eh ang lawak lawak ng space.

"Thanks."

Tumayo ako para lumipat sa tabi nila Thala. Nahihiya din naman akong katabi sila no. Haha.

Binasa ko ulit ang mga notes ko para ma-distract at hindi matuon ang pansin sa presensya nila. Binaba ko ang notebook ko dahil wala talagang pumapasok sa isip ko kahit anong ulit ko na basahin.

My ghad Cassie!

Lumapat ang tingin ko sa harap namin kung saan nakaupo sina Zeus. And once again, I saw him staring at us, or should I say, to me. He's like throwing daggers and I am so bothered.

"May kukunin lang akong libro." Pagpapaalam ko saka tumayo. Hindi ko kinakaya ang presensya niya.

Dumiretso agad ako sa Filipino section kahit wala naman akong kukunin doon. Nakarinig ako ng yapak papunta dito kaya't nataranta ako at kumuha ng random book, naging dahilan yun para mahulog ang mga libro sa sahig.

"Sorry, did I startle you?" Boses yun ni Darren.

Umupo ako at isa isang hinablot ang mga libro, ganon rin ang ginawa niya.

"May kukunin ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, hindi ko mahanap kung na saan ang libro ng El Fili."

Natapos kami sa pag aayos at maayos rin naman naibalik sa dati ang mga librong nahulog. Hinarap ko siya saka tinuro ang nasa likuran lang namin na shelf.

"Andito teh, di ka ata nagbabasa." Lumapit pa ako at tinapik tapik ang label na nakalagay.

"Chill." He chuckled at me. "By the way, ikaw si Xiella diba? Nagpakilala na ako sayo noon. Darren Hilario." Tapos ngumisi siya.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now