Chapter 31

353 22 0
                                    

Xiellara

"Gising!" Nakaramdam ako ng mahinang pagyugyog sa balikat ko pero binaliwala ko lang yun.

"Huy Xiella, Zeus tapos na yung movie na tinulugan niyo!"

Kumurap-kurap ako saka tinignan si Thala na nagsasalita.

"Ha?" Taka kong tanong.

"Gisingin mo na si Zeus dahil palakas na ang ulan, uuwi pa sila." Aniya saka ininguso si Zeus na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Kaya pala nangangalay na ang katawan ko dahil sa akin pala siya natulog.

Umalis si Thala at dumiretso sa kusina kaya hinarap ko na ang tulog na katabi ko.

"Wake up, Zeus." Mahina kong sinampal-sampal ang kanyang pagmumukha para magising.

"What?" Anito sa inaantok na tono.

"Pota gumising ka na jan dahil aalis na kayo." Saka ko ginalaw-galaw ang balikat ko kung saan siya nakahilig.

"Tsk." He groaned. He's finally awake.

Umayos na siya sa pagkakaupo saka sinuri ang paligid. Inikot-ikot ko naman ang braso ko dahil sumakit ito sa bigay niya.

"Pota sakit."

"Thanks for letting me sleep." Aniya.

Katulad niya ay tumayo na rin ako.

"Zeus buti gising ka na. Palakas na ang ulan sa labas, alis na tayo." Bungad ni Cairo na nag mula sa kusina.

"Ihahatid namin kayo sa labas." Saad ko.

Rinig pa rin namin ang malakas na pagbagsak ng ulan sa labas. Naglakad na kami papunta sa labas ng mansyon, naka-payong na kami dahil sa ulan.

Pumasok na sila sa sasakyan, pero bago pa kami bumalik sa mansyon ay biglang ibinaba ni Zeus ang bintana kung saan siya nakaupo.

"I like the sounds of your heartbeat while I was sleeping."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"A-A-Anong heartbeat! Nananaginip ka ata!" Taranta kong sigaw sa kanya.

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin dahil dali dali na akong naglakad papasok kung saan naghihintay sina Kira at Thala.

Ako nga hindi aware sa heartbeat ko, tapos ikaw papansinin mo.

Pumasok na kami sa loob ng mansyon habang tinitignan ang sasakyan paalis. Umakyat na kaming tatlo sa taas, sa may kwarto ni Kira para tumambay.

"Genshin tayo." Anyaya ni Kira.

"Sige, sige." Pagsang-ayon naming dalawa ni Thala.

Genshin is the best game ever.

Nilabas namin ni Thala ang phone namin, samantalang sa sariling computer naglalaro si Kira. May PC naman sa kwarto ko kaso tinatamad akong bumalik doon ngayon kaya sa cellphone na lang

"Sa world ko kayo mag join, need ko ng mga materials." Sabi ko.

Sabay silang nag request ng join sakin na agad kong inaccept.

"You got Raiden Shogun?!" Biglang sigaw ni Thala nang makita kung sino ang gamit ko. "And even her signature weapon?" Hindi makapaniwalang saad niya.

Better than Words ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin