Chapter 11

464 23 0
                                    

Xiellara

Kinabukasan, gaya nga ng sabi ni Tita ay agad niya kaming kinuhanan ng personal body guards. Tita is having a panic because of what happened. We can't blame her, she's just worried beacuse of our safety.

Pinakilala samin ang dalawang bodyguard na naghihintay sa labas. They're names are Loewen and Rem. They look like they're 6-7 years older than us.

Hindi ko nga alam kung bodyguard ba talaga sila or baka full time model. Tignan mo naman kung gaano kagwapo ang kanilang itsura at gaano ka build ang katawan nila.

"Don't forget to call us Miss if something come up." Kuya Loewen.

"Don't worry Kuya, noted na po yan. And you can freely roam around the university as long as may permission letter ng Dean." Saad ko.

Bumaba na kami sa sasakyan, marami ng mga istudyante ang nagsisipagdatingan.

"Yes Miss. Madam Karylle already arranged the permission letter." Pagkatapos ay isinara ni Kuya Rem ang pinto nang tuluyan na kaming makababa.

Nagpaalam na kami sa kanila at nagsimula na kaming maglakad papuntang loob ng campus. Naghiwalay na rin kami ng daan ni Kira.

Dumiretso na ako sa second floor ng building namin. Nasa ground floor kasi ang apat na room kung nasaan ang mga clubs. Ang music, theater, dance at arts.

Si Kira ay sa art club, napag-alaman ko rin na nasa dance club si Thala. Pero ako, wala pang nasasalihan mula nung magumpisa ang school year, siguro after exam na lang ako magpapa-register sa music club since wala pa naman isang taon mula nung mag pasukan.

Pumasok na ako sa loob ng room namin, wala pa ang teacher. Hehe, magagawa ko pa ang ibang lectures sa ibang subjects. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang dumating na ang aming guro. Bumati na kami pagkatapos ay nagsimula na siyang magturo. Nasa tabi ako ng bintana ng room kaya hindi ako ganon ma-bored. Tinignan ko ang katabi kong si Yuki na busy makinig. Sana all. Nasa second row kami sa dulo kaya minsan kahit anong pilit kong makinig walang pumapasok sa utak ko. Ampota.

Napalingon muli ako sa bintana, nakita ko yung dalawang bodyguard namin na sina Kuya Rem at Kuya Loewen.

Sumunod pala sila? Sa bagay boring sa parking lot eh.

Nakaupo sa silang dalawa sa isa sa mga bench. Katabi lang kasi ng building namin ang isang college department kung saan may mga bench na pwedeng upuan. Pinagkakaguluhan naman sila ng mga college girls. Sino ba namang hindi mapapatili sa kagwapuhan nila diba?

Natatawa akong napailing ng makitang nakabusangot sila-

"X-Xiella tawag ka.." napatingin ako kay Yuki na pinagpapawisan na nakatingin sakin.

Eto na naman tayo.

Awkward akong tumingin sa harap at sinalubong ang pamatay na tingin ni Ma'am.

Lupa kainin mo ako!

"M-Ma'am?-"

"Since you've been staring outside for a long time, kuhanin mo ang gagamiting model for our lesson, sa SSG office." Mahinahon niyang sabi.

Nakatungo akong lumabas sa room namin. Argh! Kainis!

Nakarating ako sa SSG Department ng nakabusangot. Kumatok muna ako ng dalawang beses saka na pumasok nang wala akong marinig na sagot. Lamig ng aircon ang unang bumungad sakin. Ginala ko ang paningin ko, pero wala namang tao.

Hindi sinasadya ay naisara ko ang pinto, at doon ko napagtanto na sira pala ang door knob nito kaya mahirap ang lumabas unless may kasama kang naghihintay sa labas.

Fvcking door. Private school pero sira ang pinto. Masyado na ata naghihirap ang school na to.

Wala akong nagawa kundi ang tumambay na lang sa loob nun. Walang tao at ako lang mag isa ang nasa loob. Merong malawak na meeting table sa may gitnang harap ng opisina. Sa bawat gilid naman ang mga tables ng bawat officers.

Naglakad ako palapit sa table kung saan nakalagay ang pangalan ni Zeus. Ang daming nakatambak na papel doon, may mga naka pin pa sa bulletin board niya na pictures. It's a picture of him together with the councils.

Social butterfly plus achiever. Saad ko sa aking isipan.

"Done checking me?"

"Ay pusang kinalbo!" Sigaw ko dahil sa gulat.

Masama kong tinignan si Zeus na ngayon ay mukhang tuwang tuwa sa naging reaction ko.

"Parang tanga! Sumusulpot kung saan saan!" Mahina kong sinipa ang kanyang binti.

"Ano bang ginagawa mo dito sa opisina?"

"May pinapakuha yung teacher namin dito, eh sira pala yung doorknob, ayan na-lock-an ako dito." Plakwanab ko naman saka na inumpisahang kunin ang model na tinutukoy ni Ma'am.

"Edi buti na lang pala at may dadaanan rin ako dito. Kung di ay andito ka magdamag." Saka niya nilibot ang malamig na room. "May rumor pa naman na merong pagala-galang puting babae rito." Nagseryoso ang kanyang boses kaya bigla akong kinabahan.

"B-Babae? Anong babae?"

"The lady, the daughter of the founder of this University. There's a rumor that's been circling around that she lost everything, including her son. She lost her mind searching for her son, she's wandering here hoping that she'll find her son. And it happened 45 years ago." Tumingin siya ng seryoso sakin. "Hey, who's that lady behind you?" Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.

"POTANGINAMO!!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo palabas ng room.

Tatawa-tawa siyang sumunod sakin samantalang ako ay nanginginig sa inis.

"You piece of shit." Saka ko hinila ng mahina lamang ang kanyang buhok. "Mamamatay ako dahil sa kaba, dahil sayo."

"Masyado ka namang nerbyosa. Hahahaha!"

"Inamo, masasakal na talaga kita. Bwiset. Makaalis na nga." Hawak ko ang model na umalis doon. Rinig ko pa rin ang halakhak niya at nagmumukha na siyang baliw dahil sa ginagawa niya.

Mabuti na lang ag hindi ako pinagalitan ni ma'am dahil natagalan ako sa pagkuha ng inuutos niya. Nag umpisa na ulit ang discussion at talagang itinuon ko na ang atensyon ko doon. Hindi na kami nag abalang lumabas ng room nung break time, dahil na rin sa medyo may mahinang ambon. Naguumpisa na naman ang pinaka ayaw kong weather.

"Want some?" Inabutan ako ni Yuki ng sushi na kinakain niya.

"Ako, gusto ko." Singit ng isa naming kaklase na si Angel saka kumuha ng isang piraso at bigla na lamang nawala sa harapan namin.

Pareho tuloy kaming natawa ni Yuki dahil sa nasaksihan. Nasa labas kami at nakadungaw sa labas ng building. The field is soaking wet at mukhang hindi na ata matutuloy ang PE namin.

"Omg, I've heard that rumor too." Sabay kami napatingin ni Yuki sa nagsalita.

"What rumor?" Pakikisali ko sa usapan nila.

"You know, that the dead daughter of the founder of our University is searching for his son. It was around this time when she lost her son." Paliwanag ni Wella na parang kinikilabutan.

"Ang tagal pa ng araw ng mga patay pero ayan na agad ang kwento-kwento."  Saad ni Yuki.

"And sa tagal ko nag aral dito, ngayon ko lang narinig ang rumor na yan." I said while munching my biscuits.

"The rumor already died a few years ago. Ngayon lang ulit naging usap-usapan." Dagdag ng kaklase namin.

"Oh, oh! There's another chika." Saad ng katabi niya na si Anika.

"What?"

Grabeng chika to, pwede na pang dessert.

"Everyone should have joined their respective club after exam." Anika told us while chewing at her bubble gum.

Fvck. Wala pa akong club.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now