Chapter 60

139 15 0
                                    

(A/N):

Asters, promote ko lang din sana yung another story ko. Sweeter than Fiction ang title. Salamaaaat.

Enjoy reading!



Xiellara

Panibagong araw na naman. Nasa classroom kami ngayon nagme-meeting para sa musical play namin sa music class.

Tinignan ko yung President naming si Yuki. Nai-stress na siya. Magulo ang buhok, gusot ang uniform at parang inaantok pa nga.

"Any suggestions para sa gaganapin na musical play natin?" Tanong niya sa aming lahat. Nasa harap namin siya ngayon.

"Pitch Perfect na lang, President!" Suggestion ni Jace.

"Jace, ang character doon mga babae. Pano naman tayong mga lalaki?" Tanong ni Yuki.

Napatango kami sa sinabi niya.

"May riff off naman doon diba?" Ani Wella.

Tumango ulit kami.

"Bakit? Marunong ba kayong mag-acapella?" Banat ulit ni Yuki.

"Hindi, hehe."

"Any suggestions?" Tanong ulit niya.

"Disney!" Sigaw ni Sarra. Kaklase kong medyo maarte din.

"Uy Frozen na lang!"

"Tanga! Mas bet ko ang Aladdin!"

"Noooo! Beauty and the beast na lang!"

"Cinderella!"

"Tangled! Mas maganda iyon!!!!"

Kanya-kanya nilang kumento. Baka wala kaming matapos nito.

"Quieeeeeet!" Saka hinampas ni Yuki ang mesa ni Ma'am.

Tumayo naman ako at lahat tumingin sa gawi ko.

"Bakit di na lang natin i-mix lahat ng suggestion niyo?" Suggest ko.

"Sige Xiella, ikaw mag-mix. Wag mo kalimutan ang asukal ha?" Pabalang na sagot ni Aldus kaya naman binato ko siya ng ballpen ko.

"That's impossible Xiella." Tugon ni Nixon.

Ngumuso ako saka naupo.

Nagtaas ng kamay si Nixon na tinanguan naman ni Yuki.

"Alam ko na guys. Highschool musical na lang," saka siya ngumisi. Yung signature smirk niya.

Lumiwanag ang mukha saka tumingala sa kanya.

"Grabe! May utak ka pa pala Nixon akala ko puro si Razel lang laman niyan!" Sigaw ko saka tumawa.

Binatukan naman niya ako.

"Aray ha!"

"Para kang baliw! Yung babaeng yun? Nasa utak ko? Kadiri!" Sigaw niya.

Sus guys, pakunwari lang yan! Nakita ko nga na ini-stalk niya si Razel sa fb! Kunwaring seryoso lang yan nagse-selpon pero kinikilig na yan. Feeling ko intiresado siya kay Razel.

"Anong tinatawa-tawa mo jan?" Aniya na ngayon ay nakaupo na.

Umiling lang ako saka na humarap sa President namin.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now