Chapter 58

122 15 0
                                    

Xiellara

Almost 2 weeks na rin ang nakalipas matapos ang pasukan. Tapos na rin ang 3rd quarter examination namin. As usual, kaming magkakaklase ay source namin ang isa't isa.

Kahit isang kilometro pa ang layo namin sa isa't isa, wala pa ring makakapigil sa amin. We're like BDO, we find ways. Hahaha.

And today is our PE class.

Pagkasara ko ng locker ko ay sumabay na ako sa paglalakad kina Nixon at Yuki. Pagkadating namin sa field ay nakatayo lahat ng mga kaklase ko at naka-fall in line.  Agad akong luminya sa mga babae, bandang dulo ako syempre medyo matangkad din naman ako.

Dumagdag sa init na nararamdaman ko ang suot naming karate uniform.

Ang init talaga! Bwiset.

"Good afternoon section Brave." Bungad ni sir. Kahit siya ay nakabilad din sa araw.

"Good afternoon noon! Sir Napoleon!" Sigaw namin.

"Mainit ba?" Tanong ni Sir. Muntik ko na tuloy maitaas ang isa kong kilay.

Aba't malamang mainit!

Walang sumagot sa amin.

"Ngayong araw ay magka-karate tayo."

"Tatawag ako ng isa sa inyo. At kapag napatumba niya kayo ay siya pa rin ang makikipag-combat, pero kung napatumba niyo siya, ikaw ang papalit sa pwesto niya at magpapatuloy ng laro." Prenteng paliwanag ni Sir.

"S-Serr dito sa mainit na field?" Tanong ni Wella.

"Oh, sorry I forgot, doon na muna kayo sa bleachers at manood. Aldus and Nixon, stay." Sinunod namin si Sir.

May kanya-kanya kaming inumin sa bleachers. Ayaw na ayaw kasi ni Sir na umaalis kami hangga't di pa tapos ang klase niya.

Nagsuot na ng mga protective gears sina Nixon at Aldus. Mukhang ready na sila kaya pumito na si Sir.

Pagkatuntong namin ng Grade 7 ay tinuturuan na kami ng karate. Parte yan sa rules ng VU. Para sa self defense, dahil nga elite school din ang VU at madalas na narito ang mga future heiress ng iba't ibang business.

Ibinaba ko ang tubig ko at nangalumbaba. Panay ang sipa ni Aldus kaya sa hindi inaasahang ay nasangga ni Nixon ang paa niya saka mabilis na hinila si Aldus pababa ng damo.

Pumito si Sir. Pinaalis na niya si Aldus saka tinawag si Dave. So it means Dave vs. Nixon.

Hay. Mukhang matagal pa to ah?





Kira

Waaah! Ang gusto ko yung klase nila Lara.

Nasa open gym kami at katapat nun ang mainit na field kung na saan sina Lara na nagka-karate.

PE rin ang klase namin ngayon, kaso nga lang magba-volleyball kami.  Marunong naman akong mag-volleyball. Pero mas gusto ko talaga yung kina Lara.

"Aray!" Sigaw ko nang may tumamang bola sa ulo ko.

Tinignan ko kung sino mang lapastangan ang naghagis nun. Bloom Allajar. Yeah, classmate ko ang babaeng to. Section Crystal din.

Akala ko pa naman mabait na to kasi nga noong December 24 nakasama namin siya. Psh. Queen bee pa rin ang bruha.

"Opss." Saka niya tinakpan ang kanyang bibig pero alam kong nakangisi ito.

Meron ulit naghagis ng bola na kasama niya pero agad ko iyong naiwasan. Sinamaan ko siya ng tingin.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now