Chapter 46

165 13 0
                                    

Xiellara

"Good morning Ma." Bati ko kinaumagahan kay Mama.

"Ba't di mo pa gisingin yung pinsan mo?" Tanong niya sakin.

"Naliligo na po." Saad ko.

Umupo na ako sa hapag habang tinitignan si Mama na naghahanda ng pagkain.

"Sa tingin mo ba Ma, magugustuhan din ako ng Mama ni Zeus katulad ng pagkakagusto niyo sa kaniya?" Tanong ko bigla sa kanya.

"Oo naman. Zeliah is a good mother, she knows what's the best for Zeus." Sagot ni Mama.

"And what if I'm not the best for him?" Tanong ko.

"Anak, you're the best." Ani Mama. Ngumiti ako at di mapigilang mapayakap kay Mama.

Pagkatapos ay muli akong naupo, saka ang pagbaba ni Kira mula sa hagdan. Bagong ligo at mukhang fresh na fresh ang bruha.

"Kain na hija, mamaya ay aalis kami ng mommy mo para sa meeting sa business niyo." Saad ni Mama.

"Hmm, sure Tita. Anong oras po kayo makakauwi niyan?" Tanong ni Kira.

"Late na siguro ng gabi kaya wag niyo na kaming hintayin." Sagot naman ni Mama.

Naupo na kaming dalawa habang si Mama naman ay umakyat sa itaas. Nag-umpisa na kaming kumain habang si Kira naman ay panay ang kwento niya ng kung ano-ano.

"At isa pa yang Ymar na yan!" Bulyaw niya saka kumagat sa hotdog.

Inayos ko naman ang upo ko nang banggitin niya ang pangalan ng leader ng Rettib.

"Hmm. Pano nga ba kayo nagkakilala?" Pang-uusisa ko.

"Naalala mo yung nag-jogging ako last Saturday?" Aniya.

"Hindi." Sagot ko naman.

"Malamang hindi mo naalala kasi tulog ka pa nun! Ginigising kita para sana may kasama ako eh! Hmmp." Aniya na naman.

"Geh tuloy mo lang." Saad ko.

"Inabot ako ng 6:30 ng umaga sa pagja-jogging doon sa may park. Tapos nakakita ako ng taho----"

"Teka, akala ko ice-cream pinag-awayan niyo?" Singit ko.

"Patapusin mo kasi ako!" Bulyaw na naman niya.

"Puñeta wag kang sumigaw!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"So yun nga diba? Nakakita ako ng taho tapos biglang may dumaan na vendor ng ice-cream! Weird nga eh! Kasi umagang-umaga may ice-cream. Tapos nilapitan ko na yung Manong para makabili ng ice-cream. Saka sakto raw dahil pang-isang tao na lang daw yun! Tapos biglang dumating yung kupal! Bibili rin daw, pero sabi ni Manong last na raw yun at ubos na daw!" Pagkatapos ay uminom siya ng gatas.

"Oh tapos?" Tanong ko.

"Tapos ayon! Naaasar siya gumising pa raw siya ng maaga para doon tapos uubusin ko lang daw. Akala niya siya lang badtrip eh nakakabadtrip din naman pagmumukha niya. Tss." Pagtatapos niya sa kwento niya.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now