Chapter 29

360 16 0
                                    

Xiellara

Ngayon ay biyernes at umpisa na ng Intramurals next week. Naging maayos naman ang mga araw ni Nixon sa campus sa loob ng apat na araw.

As usual, habulin rin siya ng mga babae. Wala atang araw na hindi siya nakakatanggap ng love letter sa kanyang locker.

Nabansagan na rin siyang Campus Kyeopta o di kaya'y Oppa.

Napahagalpak ako sa tawa, dahil sa pagbukas niya ng kanyang locker ay bumungad na naman ang sandamakmak na love letters.

Nahulog pa ang iba kaya sinamahan ko siyang magpulot.

"Ang dami ha? Iniipon mo ba ang mga yan? Binabasa mo ba?" Tanong ko.

"Wala akong panahon para sa mga yan." Aniya.

Inabot ko na sa kanya ang ibang letters,

"Ganoon?" Nanghihinayang kong sabi.

Buti pa nga siya may letters eh. Ako wala. HAHAHA. Sana all.

Maayos niya yung binalik sa kanyang locker saka kinuha ang isang libro. Binuksan ko rin ang locker ko para kunin ang libro.

Nagtaka naman ako nang makitang meron doong nakalagay na isang garapon ng stick-o.

Kinuha ko yun. May nakalagay na sticky note,

For you.

— Zeus

Nag-form ng 'O' ang bibig ko.

Pano naman niya nabuksan ang locker ko?

Nakuha ulit ng isang sticky note ang atensyon ko.

Don't asked how did I opened it. I'm not Zeus Guiverra for nothing.

Hindi ko alam pero basta na lang akong napangiti. Pilit ko man itago pero hindi ko nagawa dahil sa kiliti sa aking tiyan at puso.

"Oh. Meron ka rin pala eh." Napatingin ako kay Nixon.

Nagngiti na lang ako.

"Sinong nagbigay?" Tanong niya.

"Si Zeus." Maikli kong sagot saka ko na ibinalik ang stick-o sa aking locker. Kinuha ko na rin ang libro saka ko na iyon isinara.

Mamaya ko na lang yan kakainin.

Napatingin ako kay Nixon nang bigla siyang nanahimik pero mabilis ring nag-ngiti ng mapansin ko iyon.

Naglakad na kami pabalik sa room. Naupo na kami sa aming upuan. Katabi ko silang dalawa ni Yuki.

Kumbaga, naging ako na yung gitna, dahil si Nixon na ang nakaupo sa tabi ng bintana.

Sinimulan ko ng magbasa dahil magkakaroon kami ng quiz sa susunod na subject.

Nagtilian ang mga kaklase ko nang makarinig kami ng malakas na kulog na may kasamang kidlat.

"Uulan ata." Banggit ni Yuki.

Napatango ako sa sinabi niya.

Ilang beses pang naulit ang pag-kulog at pag-kidlat hanggang sa ilang sandali bumuhos na ang malalakas na patak ng ulan.

Sinara ni Nixon ang bintanang katabi namin dahil sa pag-hampas ng hangin na may kasamang ulan.

Hinimas ko ang braso ko dahil sa lamig. Shit. Nagtataasan ang balahibo ko!

"Balbon. Hahaha." Tawa ni Yuki.

"Tagal na. Ngayon mo lang nalaman?" Pambabara ko.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now