Chapter 36

285 20 0
                                    

Xiellara

Naalimpungatan ako sa tunog ng malakas na pagbukas ng pinto.

Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Medyo malabo pa, isang pigura ng lalaki ang namataan ko hanggang sa luminaw na ito sa aking paningin.

"K-Kuya Rem?" Saad ko at akmang lalapit pero hindi ako makagalaw, at pagtingin ko sa aking katawan ay nakatali ako sa isang silya.

Ang kamay ko ay nasa aking hita habang nakatali, ang bewang ko ay nakatali sa silya, pati ang paa ko ay nakatali rin.

At doon pumasok sa isip ko ang mga pangyayari kanina,

Nakidnapped ako.

Nilipat ko ang tingin ko kay Kuya Rem.

"K-Kuya tulong..." Tanging lumabas sa bibig ko.

"Gising na pala ang bata." Saka siya ngumisi.

Ibang-iba ang Kuya Rem na nakikita ko ngayon, sa Kuya Rem na nakakasama ko araw-araw sa mansyon.

"Kuya bakit hindi mo ako tulungan?!" Naiiyak kong sigaw.

Hindi siya sumagot.

"K-Kasama mo ba sila?! Bakit niyo ako kinuha?! K-Kuya..." Dumaloy ang mainit na likido sa aking mata.

Fvck!

"Putang'na! Sagutin mo ako!" Muli kong sigaw.

Nakakalokong ngisi lamang ang ibinigay niya sakin.

"Alam mo bang, nandito ang taong hinahanap mo?" Saad niya.

Nanlaki ang mata ko at agad nakuha ang ibig niyang sabihin.

"S-Si Zeus! Bakit niyo ba ginagawa to?" Nanginginig kong sigaw.

Nilibot ko ng tingin ang silid, medyo maluwang at nag-eecho lang ang pag-sigaw ko.

"Shut your mouth young lady." Banggit niya.

"Ano ba kasing kailangan niyo?! B-Bakit pati si Zeus ay nadamay pa?!" Buong lakas kong sigaw.

"Alam mo bang nasa ospital ang kapatid ni Loewen dahil sa kanya?" Nagdilim ang paningin niya nang sabihin yun.

Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya.

"A-Ano?" Saad ko.

"And of course, we won't kidnapped you for nothing." Sagot niya sakin.

Nanatili lamang akong masamang nakatitig sa kanya, habang natuyo na ang luhang dumaloy sa mata ko kanina.

"Malaki ang atraso sakin ng Mama mo.." dugtong niya.

Namilog ang mata ko dahil sa gulat ng banggitin niya iyon.

Anong kinalaman ni Mama dito?

"Khione Vernandez right? Haha, and your Auntie is so stupid to hired me and Loewen."

"Watch your mouth fvcking asshole!" Sigaw ko.

How dare him call my Tita, stupid?

"You don't know your mother, hindi mo alam ang kaya niyang gawin." Nanigas ako dahil sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?" Nagsimula na akong matakot at napalitan ng kuryusidad ang aking mata.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now