Chapter 19

354 13 0
                                    

Xiellara's POV

"Go Yuki Takahashi!!" Sigaw namin ng magsimula na sa paglalakad sa entablado si Yuki.

Ngayon ang araw ng elimination ng Mr. and Ms. Intramurals sa buong Grade 10. Marami ang sumama, unexpected din naman kasi.

Ang sumamang babae sa aming section ay si Wella lang din, wala rin siyang nagawa dahil dala na ng mga babaeng kaklase ko kanina ang gagamitin sa pag-aayos sa kanya.

Simple lang muna ang suot ng mga contestants ngayon. Isang white V-neck t-shirt na tinernuhan ng dark pants.

Ang intrams ay tungkol sa sports, ang mapipili sa buong Grade 10 ang ilalaban para sa araw ng Intramurals. Kung saan buong secondary na ang makakasalamuha mo.

"Go Wella Lee!" Muli naming sigaw nang makitang si Wella na ang sumunod.

Sinimangutan niya lang kami, pero di kalaunan ay pilit siyang ngumiti sa mga judges kaya't natawa kami ng mga kaklase ko.

Nang matapos na siya sa pagrampa ay nagpalakpakan kami.

"Kyaaaaaah! OMG!"

"Sheeet! Ang hot niya!"

"Si Zeus! Omo!"

"Ang gwapo talaga!"

Napalunok ako ng todo nang makita ko si Zeus sa stage na cool na naglalakad. Napanganga ako ng ngisian niya ang mga babae na tinitili ang kanyang pangalan.

Hindi ko inaasahan na sasama siya sa pageant. Like, wala sa vibes niya ang mga ganito. Mukha rin siyang napipilitan pero ang galing niyang mag paingay ng crowds.

"Waaaaaah! I'm falling!"

"Kyaaaaaah!"

"He smirked!"

"Our president is so hot!"

Magulo ang buhok niyang rumarampa sa entablado na mas lalong nagpakita sa kanyang kagwapuhan. Nang magsalita siya ay mas lalong umingay sa gym.

Bago siya tuluyang umalis ay binigyan niya pa muna ako ng isang sulyap saka ngumisi. Tinaasan ko siya ng kilay saka binigyan ng malutong na gitnang daliri.

"He's so freaking hot!" Tili ni Cassandra.

"Nakita mo yun Xiella? He smirked at me!" Hiyaw ni Ayesha.

"No! Sakin siya nag-smirked!" Sigaw din ni Cass.

"Stop it guys! Sakin talaga!" Singit ni Bea.

"Stupid! Kay Xiella siya nag-smirked!" Saka humalakhak si Aldus ng ituro ako.

Nag-form naman ng 'O' ang kanilang mga bibig saka inilipat sakin ang tingin.

"Hmmmm. May something sa inyo ni Zeus no?" Nag-taas baba ang kilay ni Cass ng sabihin yun.

"Lalo na kahapon noong binigyan ka niya ng fruit tea." napalunok ako nang banggitin ni Ayesha ang nangyari kahapon.

"O my gosh! I think he likes you----" agad kong pinigilan ang sasabihin ni Bea at tinabunan Ito ng aking salita.

"Stop. That will never happen guys." Giit ko.

Better than Words ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя