Chapter 35

285 22 0
                                    

Xiellara

2 weeks.

2 fvcking weeks have passed magmula nang sabihin niya iyon. At dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nang magkita kami.

He won, together with Bloom.

Pero matapos ang pagkapanalo niya ay hindi ko na siya nakita pa. Ni sa backstage ay hindi ko rin siya natagpuan. I tried to asked his friends, pero wala rin silang alam

Tang'na! Nababaliw ako kakaisip kung na saan siya!

Naga-alala ako.

After what he said, mawawala siya?

Sembreak ngayon, at katatapos lang ng exam namin last week. And he didn't even attend for the exam.

Kanina lang din ay tumawag si Tita, na uuwi na raw siya mamayang gabi. Susunduin siya nina Manong sa Manila.

Naglakad ako papuntang kwarto ni Kira at walang pag-aalinlangang pumasok. Naabutan ko siyang nakahiga Doon sa kanyang kama at napatingin siya sa kinaroroonan ko.

"Kira," saad ko sa tonong parang nag-mamakaawa.

"Hush Lara. Magpaparamdam din yun." Sagot niya na parang nababasa ang iniisip ko.

May sasabihin pa sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa na aking shorts.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag,

Para akong nabuhayan nang makita ang panganlan ni Thala doon. Siguro naroon na si Zeus.

"Hello Tha----"

["Xiella! Zeus' Mom contacted me. She asked me kung nandidito daw ba si Zeus, k-kasi 2 linggo na raw siyang hindi umuuwi sa kanila. A-Ang sabi ko ay, wala siya rito dahil sa pagkakaalalam ko ay doon siya tumutuloy sa kanila..."]

"So you mean...."

["Yes, he's missing."]

"Panong nangyari yun?"

["Tinawagan ko na ang mga kaibigan niya, they were all shocked. Hindi naman ganyan si Zeus eh! Ang akala ko ay dahil sa mga sinabi niya noong intrams kaya hindi siya nagpaparamdam."]

"I'll find him."

["We'll find him."]

Saad niya. Pinatay ko na ang tawag.

"Nawawala siya Kira." Sabi ko sa aking pinsan.

"What?!" Gulat na tanong ni Kira.

Lumapit siya sakin.

"Check your phone, baka nag-text si Cairo." Saad ko.

Ginawa naman niya ang sinabi ko. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa study table, ilang sandali pa ay lumapit na siya sakin.

"Kaka-text niya lang! He said that Zeus is really missing." Sagot niya sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kadahilanang nawawala nga talaga si Zeus.

"...tapos sabi dito ay magkita-kita raw tayo sa Vendice," dugtong niya.

Napatango na lamang ako sa sinabi niya.

Better than Words ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ