Chapter 41

249 16 4
                                    

Xiellara

"Guys! Naniniwala ba kayo sa multo?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Aldus nang itanong niya iyon sa buong klase.

Hindi ko alam kung ano trip nitong mokong na to e.

Tapos na ang pista ng patay, last week pero heto at nagtatanong siya ng kababalaghan. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang i-meeting kami ni Mama.

"Hindi."

"Sus! Maniwala kayo jan sa multo!"

"Letse! Hindi yan totoo!"

"Naniniwala ako! Nakakita na kasi ako eh!"

Nilingon namin si Cassandra nang isigaw niya iyon.

"Totoo?"

"Kailan?"

"Saan naman?"

Humilig siya sa kanyang upuan saka kami pinagmasdan.

"Noong Grade 9 tayo. Doon sa mismong classroom natin." Sagot niya.

May mga natakot, tumili, sumigaw, yung iba pakunwari pa eh natatakot naman, samantalang nagkunot noo ako.

"Anong klaseng multo naman yan?" Tanong ni Yuki.

"It's a nurse, I don't know. Mukha rin kasing white lady." Sagot ni Cass.

"So it means na totoo palang dating hospital ang University natin?" Sabat ko.

"Oo nga! Yan yung mga sinasabi nila!"

"Tapos naging sementeryo daw,"

"Naging military base din ata ito eh."

Kanya-kanyang opinyon ng mga kaklase ko.

"Nakuuu! Hindi yan totoo!" Saka nag-iling si Aldus.

"Magtatanong-tanong ka! Tapos hindi ka maniniwala!" Gigil ma sigaw sa kanya ni Cassandra.

"Pake mo ba? Eh, mas kapani-paniwala ang ghosting!" Bulyaw niya sa buong klase.

"Broken yan, kaya ganyan."

"Panong ghosting?"

"Wawa naman Aldus."

"Sinong nang-ghost? Hahahaha!"

Kantyaw sa kanya ng mga sira-ulo kong kaklase.

"Ano ba yung ghosting?" Tanong ko.

"Ghosting, a millennial word pronounced as /gos-ting/ na ang ibig sabihin ay pakikiligin, pero sa huli iiwan rin. Ayos na?" Ani Aldus na parang eksperto sa topic na iyon.

"Wow! Alam na alam ah!" Saad ni Jace.

"Ngayon ko lang narinig yan." Banggit ni Yuki.

"Pakikiligin, pero sa huli iiwan rin?" Patanong ko.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now