Chapter 39

252 16 4
                                    

(A/N):

keana006 thanks for vote. Buti umabot pa, ipa-publish ko na sana ito eh tapos biglang may nag-notif hehe.

Hindi ko na po mai-mention yung iba kasi ni-mention ko na po sila noong nakaraan. Hehe, hope you understand po!

Enjoy reading Asters!

Xiellara

Nakauwi na kami sa mansion nung kinabukasan, inihatid kami ni Lex dahil si Zeus ay nagpapahinga.

Nakatingin kaming dalawa ni Kira sa gate ng mansion.

"Tara," Yaya ko sa kanya.

Siya na ang pumindot sa doorbell ng dalawang beses. Ilang segundo lang ay may dumating ng maid at pinagbuksan kami.

"Hala! Miss Lara at Miss Kira! Buti po at nakauwi na kayo, hali po kayo. Alalang-alala po sina Madame Karylle at Madame Khione." Nagulat kami sa sinabi ni ate Helen. Isa sa mga kasam-bahay dito.

"A-Andito si Mama?" Tanong ko.

"Opo, kadarating lang po niya kagabi." Sagot niya saglit siyang tumitig sa likudan naming dalawa ni Kira.

"Teka po Miss, nasaan po sina Loewen at Rem?" Nagtataka niyang tanong.

Muli kaming nagtinginan ni Kira.

"Nasa impyerno na ang mga yu----" siniko ko si Kira dahil sa sinabi niya.

"Ang mabuti pa Ate Helen samahan mo na kaming magpunta sa loob, saka na lang namin sasabihin ang nangyari." Tumango siya saka nagsimula na kaming maglakad.

Nang tumapat na kami sa pinto ay pinagbuksan niya kami at pinauna sa pagpasok.

Agad na itinuro ni Ate Helen ang direksyon papuntang sala saka tumingin samin,

"Naroon po sila, Miss." Aniya.

"Salamat." Sabay na banggit namin ni Kira.

Tinawag ni Manang Aurora ang mga natitiranv maids saka sila nagsilabasan ng mansyon. I don't know, but I think our Mayor Dome knows what is happening and she's giving us a space to talk.

Nag-mamadali kaming nag-punta sa sala, naabutan namin sina Tita at Mama na nag-uusap ulit ng seryosong bagay pero agad ding natigil ng mapansin ang presensya naming dalawa ni Kira.

"Oh god! Kira, Lara!" Mabilis kaming dinaluhan nina Mama at niyakap.

"Where have you been?" Seryosong tanong samin ni Tita.

Hindi kami kumibo.

"Hindi niyo sinasagot ang tawag ko! Saan kayo nanggaling?! At bakit ngayon lang kayo?!" Bulyaw ni Tita.

"I was in Japan when your Tita called. Lara, please answer us." Mahinahahong sabi ni Mama.

"At ano ang ginawa mo sa Japan?" Tanong ko at nagtama ang aming mata.

"Lara, hindi ngayon ang tamang oras para tanungin ako, answer us. Saan kayo nanggaling?" Muling tanong ni Mama.

"Ma, anong ginawa mo sa Japan?" Giit ko.

"Lara! I said-----!"

"Nagtago? Kasi agent ka? What the heck? I was risking my life yesterday, while you we're hiding Ma!" Sigaw ko habang nangingilid ang aking luha.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now