Chapter 32

375 15 5
                                    

(A/N)
What's up asteroids? Ngayon lang ako nakapag-update dahil sinumpong po ako ng writer's block.

By the way, malapit na ang Christmas party ha? Enjoy the party and don't forget to thank your classmates and friends, dahil umabot pa ng December ang samahan ninyo.

Enjoy reading Asteroids 💫

azclujie Hi! Thanks for flood votes!

Xiellara

Ngayon ang araw ng Intramurals namin, maingay ang loob ng gym kahit hindi pa man nag-uumpisa.

Kaming mga Junior high lang ang nandito ngayon sa loob ng gymnasium. Ang Senior at College ay sa ibang araw pa gaganapin ang kanila.

Katabi ko sa bleachers sina Kira at Thala na todo ay pagpaypay sa sarili kahit may dala na silang portable fan. Pano ba naman kasi, kahit naka on na ang aircon ay damang dama pa rin ang init sa loob ng gym.

"Bwiset ang inet! Naka free trial ba tayo sa impyerno ngayon?!" Reklamo ni Kira.

Natawa ang mga katabi naming nakarinig sa kanya.

Ang unang magiging laro ngayon ay basketball, kasama doon sina Cairo, Darren, Aldus, Dave at Nixon. Yep. Basketball player din si Nixon kaya mabilis siyang nakapasok sa team.

Nagsalita na ang emcee ng kung ano-ano tungkol dito sa University, pati ang Dean na si Ms. Graice.

Nagpalakpakan kami nang matapos na ang mahaba-haba nilang speech.

Nagsilabasan na ang mga basketball player, Grade 9 at Grade 10 ang maglalaban.

Ipinakilala na sila isa-isa.

Di kalaunan ay nag-umpisa na rin ang laban. Unang nagkapuntos ang Grade 9 kaya't umugong ang kaingayan nila.

Syempre di naman kami papatalo,

"Go blue eagles!"

"One, two, three!"

"Eagles! Eagles!~
Eagles number 1!~
Hindi siya number 2!~
Mas lalong hindi 3!~
Kasi siya'y number 1!"

Pasigaw na kanta ng mga ka-batch mates ko kaya napa-face palm naman ako.

Sinong gumawa ng yell na yan?

Nagsigawan ulit kami nang maka-puntos ang Eagles!

Nagtuloy-tuloy ang laro hanggang sa 4th quarter.

Lamang ang mga Warriors(Gr.9) ng limang puntos sa kanila. Pumito ang referri para sa panandaliang break.

Napatingin ako sa mga player namin. Pawisin na sila habang kausap ang kanilang coach.

Binalik ko ang tingin kina Kira,

"Ano? Ilabas na ba natin?" Nagkatinginan pa kami saka sila tumango ng nakangiti.

Pumito muli ang referri saka na ulit nagsimula ang laro.

Kinuha namin ang banner sa sandalan ng bleacher na inilagay namin kanina. Inilantad na namin ang banner na may kalakihan, at may nakasulat na 'Go Blue Eagles! #keepSafeWarriors'

Ginawa namin ito kahapon dahil doon naman natulog si Thala sa mansyon.

Nag-hiyawan ang mga batch mates namin dahil sa nakita.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now