Chapter 44

239 17 0
                                    

Xiellara

Today is Monday morning, hinatid na kami kahapon ni Ms. Graice katulad ng sinabi niya.

Naghahanda na kaming dalawa ni Kira sa pagpasok. Hinandaan na rin kami ng breakfast nina Mama at Tita.

"I forgot to ask Xiella, sino nga ulit yung naghatid sa inyo kahapon? Is that Zeus?" Mama ask while we're in the table.

"Hmm. Dean po namin." Sagot ko.

"How come, na nandoon ang Dean niyo sa party?" Tanong ni Tita.

Nagtinginan kami ni Kira, parehas na nangangapa ng maisasagot.

"Ah eh, yung kapatid kasi ng Dean namin ay mag-aaral na sa V.U. this week and, uh.. she's looking for a friend." Sagot ni Kira.

Then we smiled awkwardly.

"Well, that's good. The more you have a friend, the more you'll be happy." Ani Mama.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami para pumasok sa University, hinatid na kami ng aming driver at susunduin na lang kapag uwian. Nasa corridor kami ni Kira nang biglang may yumakap sa amin mula sa likod.

"Hey!" Sigaw ni Thala at Brielle.

Tumawa kami ni Kira saka sila hinarap. Nasa likod nila si Jane, half smirking with us while arching her eye brow. Nagulat kami nang hilain siya ni Kira saka niyakap.

"Wag mo kaming pagtaasan ng kilay, utang na loob. Lunes na lunes." Saka matching haplos sa likod ni Jane.

"Get off me, Kira." Aniya at kusang lumayo.

"Ay hindi na bitch tawag mo sakin? Lume-level up ka ganern?" Saka nag ngisi si Kira.

"Ugh." Singhal ni Jane at umirap.

Nagulat na lang kami ng magpuntahan ang mga istudyante sa field na dinaanan namin kanina lang. Mukhang may tinitignan sila doon. Walang pag-aalinlangan kaming tumungo doon. Masyadong maraming tao kaya't hindi namin agad makita ang senaryo.

"Transferee na naman?"

"Ang ganda naman niya."

"Haba ng hair."

"Teka, bakit sila magkasama ni Zeus?"

"Bagay sila."

"Wag kang ma-issue! May nililigawan yang si president diba?"

"OMG! I know her! She's the sister of our Dean! She's also a Valleno!"

"Woah!"

"Lilipat na siya dito?"

Dinig naming usapan kaya't nalaman agad naming si Razel iyon.

Nang tuluyan na kaming makasingit ay na-estatwa ako sa aking kinatatayuan. Sabay silang naglalakad habang nakakawit ang kamay ni Razel sa braso ni Zeus. Nakatitig lamang ako sa kanila hanggang sa biglang sumigaw si Thala.

"Hoy Zeus!" Sigaw niya sa pinsan niya.

Huminto silang dalawa sa paglalakad saka busangot ang mukhang niya nang tumingin sa amin, nakaguhit rin ang iritasyon sa kanyang mukha. Ngumiti naman si Razel saka kumaway sa amin.

Better than Words ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ