Chapter 47

156 15 2
                                    

Xiellara

Matapos ng nangyari kanina ay nanumbalik na kami sa aming mga upuan dahil dumating na ang aming adviser. May ia-announce daw eh.

"Today is November 25. Aware naman kayo na malapit na ang Christmas Party niyo diba?" Ani ma'am kaya't napatili ang iba kong mga kaklase.

"Quite! So as I was saying, simulan niyo ng ayusan ang classroom. Ang napiling theme para sa Grade 10 ay Sweet Christmas. Kaya dapat ang magiging design nito is all about sweets. Candies, lollipops or whatsoever basta nandoon pa rin ang touch ng Christmas. Do you get what I mean?" Saad ni ma'am. Kaya't lahat kami sumagot.

"Ma'am! Kailan po ang bunutan natin?" Tanong ni Bea.

"First day of December." Sagot ni Ma'am.

"Oh em geez! I'm so excited!"

"Yah! Me too!"

"About saan naman kaya ang ireregalo?"

"Gosh! Can't wait!"

Kanya-kanyang komento ng mga kaklase ko.

"Simulan niyo ng bumili ng materials, kumuha kayo sa class fund natin." Saad ni Ma'am saka na siya nagsimulang mag-turo.













"Hoy! Bwiset ka talaga Lex! Akin na yan! Ano ba!" Bulyaw ni Thala saka sinimulang habulin si Lex na bitbit ang ni-bake niyang cupcakes.

So ayun nga. Para silang batang naghahabulan sa mainit na field. Aish. Hindi nag-uusap sina Kira at Cairo. Maski si Jane at Yuki ay tahimik rin sa isang tabi. Bigla akong tinabihan ni Brielle habang nasa likod namin si France.

"Oh. Wag mo sabihing may problema rin kayo niyan?" Saka ko ininguso si France.

"Hahaha, wala! Ano ka ba." Sagot niya

"Hay naku! Bakit pa nila kasama si Xiella?"

"Dapat si Razel ang nandiyan."

"Nang dahil sa kanya wala tuloy kasama si Razel!"

Nyenyenye.

Puro kayo Razel. Mga plastic.

"Kaasar ha. Hayaan mo na lang yang mga yan. Wala na silang magawa sa buhay kaya ganyan." Saad ni Brielle.

Tinanguan ko siya. Speaking of Razel, saan naman kaya siya? Wala ba siyang balak na humingi ng sorry? And.... na saan si Zeus?

"Alam mo ba kung na saan si Zeus?" Tanong ko sa katabi ko.

"Hmm. Hindi eh." Sagot naman niya.

Pumasok na kami sa loob ng cafeteria. As usual, nandoon na naman kasi sa aming pwesto.

"Lex. Si Zeus?" Tanong ko sa kaibigan.

"Ay naku Xiella. Busy yun ngayon dahil malapit na ang Christmas Party." Sagot niya.

"Oo nga pala. Kung ganoon, may lunch na ba siya?"

"Wala pa nga."

"Ha?! Tsk. Sasabay na lang akong kakain sa kanya. Buti may extra akong lunch dito! Sige. See you later na lang." Pagpapaalam ko saka na ulit umalis.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now