Chapter 14

408 20 0
                                    

Xiellara

Napaunat ako ng aking braso dahil sa wakas ay natapos na rin ang aming exam. Nakapag-pass na rin kami ng mga requirements, at higit sa lahat stress free na kami.

Inumpisahan ko ng iligpit ang mga gamit ko habang inaalala ang pangyayari kanina habang nage-exam kami.

***

"Uy. Ano yung number 19?" Bulong ni Caliya na nakaupo sa likod na upuan ko.

Tinignan ko ang numerong sinasabi niya sa aking test paper.

"Letter C." Mahina kong bulong sa kanya nang hindi tumitingin.

"Thanks." Tumango ako bilang sagot.

Binasa ko muli ang tanong sa test paper ko. Hindi ko ma-gets yun. Shokt! Kailangan ko ng tulong.

Tinignan ko ang katabi kong si Yuki tapos inilipat ko tingin ko sa aming teacher na busy sa phone call niya.

"Yuki. Ano yung number 21?" Bulong ko sa kanya.

Sinenyasan niya ako ng dalawang daliri, na ang ibig sabihin ay letter B. Nginitian ko siya at nag-thumbs up sa kanya, hudyat na nagtha-thank you ako.

Napatingin kami kay Ma'am nang bigla siya tumayo at naglakad palabas habang nasa tenga pa rin niya ang kanyang cellphone. YES!

"Letter A daw sa number 20."

"Pano yung number 22?"

"Jusko! Dalian natin baka mamaya andito na si Ma'am."

"Guys quite. Anjan lang si Ma'am sa labas."

Napangiti ako dahil kahit papaano ay may pagkakaisa pa rin kami at hindi competitive.

***

Papunta na ako ngayon sa room ni Kira, susunduin ko siya dahil pupunta kaming grocery store para bumili ng pagkain ng makakain naming chichirya, biskwit, inumin at iba pa.

Naabutan ko si Kira na naglilinis ng kanilang classroom. Cleaners siguro siya. Sinitsitan ko siya kasi itatakas ko na lang siya.

Pasimpleng tumingin sakin si Kira. Ininguso ko sa kanya yung bag niya.

"Akin na ang bag mo," pagsasalita ko ng walang boses pero alam kong naintindihan niya yun. Nginitian niya ako saka tumango.

Pasimple niyang kinuha ang kanyang bag saka dahan-dahang lumapit sa akin. Busy naman yung mga kaklase niya sa paglilinis kaya hindi na nila mapapansin.

"Hintayin na kita sa parking lot." Bulong ko saka kinuha ang kanyang bag. "Bilisan mo."

"Oo, susunod na ako. Hehe," aniya kaya tinanguan ko na lang siya saka na umalis bitbit ang bag niya.

Nilabas ko na ulit ang payong ko dahil medyo umuulan ng malakas. Sa di kalayuan ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng tumatakbo papunta sa akin kaya tumigil ako.

Better than Words ✓Where stories live. Discover now