Epilogue

7.6K 175 39
                                    

Thank you.

Thank you very much for reading and supporting this. Although others find it boring.. Hindi pa rin no'n natalo ang saya ko kapag nababasa ko ang comments nyo. Kahit pa 'Bitin' ang nakalagay dyan. O kahit 'Update po' 'yan. Nag-eeffort pa rin kayong mag-comment at ibig sabihin, you want to read more. I am euphoric whenever I read your reactions! Minsan binabalik-balikan ko when I'm down. Thank you!

Ngayon, sobrang nagpapasalamat ako dahil sa inyo na mga nakaabot dito. Pinagpatuloy niyo ang istorya nila Jackson at Angeles hanggang sa dulo. Sana suportahan niyo rin ang mga susunod ko pang stories. I love you guys!

-author.

___

Epilogue

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at muling idinilat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at muling idinilat. Nagbabakasakaling nagkamali lang ako ng tingin at nanaginip nang panandalian... pero hindi..

Muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang luha ko, nagsisikip ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na emosyon.

"Anak, nako! H'wag kang umiyak. Masisira ang ayos mo. Papangit ka sa camera, live tayo anak." Dinaluhan ako ni Inang at nagbiro pa tapos ay inayos ang ibang hiblang mahahabang bangs ko na dumikit na  sa pisngi ko dahil sa luha.

"Ngayon na lang ulit kita nakita, kung kailang ikakasal ka na." Tumulo na din ang isang luha kay Amang.

Nginitian ko lang sya. Hindi mahanap ang mga dapat sabihin.

Kinuha na ng Amang ang braso ko at iniikot sa kanya. Inaalalayan naman ni Inang ang kabila na may hawak na pumpon ng bulaklak. Nagsimula na kaming maglakad sa puting carpet. Doon din nagsimulang tumugtog ang isang kantang sila Lloyd pa ang nagmamay-ari ng boses. Nilingon ko sila at maging sila ay nakaayos rin. Nag-thumbs up lang sila sa akin. Kita ko ang saya sa mga tingin nila kahit na malabo ang mata ko dahil sa luha.

"A hundred and five is the number that comes to my head, when I think of all the years I wanna be with you.."

I didn't expect this. No, no one in my place would ever expect this to happen. These things and people around me are not just my dream nor my imagination. This event is indeed happening.. It feels surreal.

"Wake up every morning with you in my bed,

That's precisely what I plan to do.."

Nginitian ako nila Lola Wella saktong pagdaan namin sa kanila. Mangiyak-ngiyak din sya at inaalu pa ni Lolo Jomar. Paglingon ko naman sa kaliwa ay tumambad sa akin ang kaninang mga artista kasama na si Cyan na nakausap ko na rin noon at kaibigan ni Jackson, katabi nila sila Scott at GD pati na si Kuya na nginitian ako nang malaki. Kinawayan nila ako.
Maging ang mga staffs ay nakapag-ayos din agad. Sila ate Mila, Manager Ree at Ate A ay tila mauubusan ng hininga sa paghikbi, akala mo sila ang ikakasal. Nandun din si Manager Anne na tipid na nginitian lang ako.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon