52

3.8K 92 11
                                    

Wala na kaming net! Omaygad huhu.
Tapusin ko na talaga 'to. Salamat po sa inyo!

Chapter 52

____

Sabay-sabay ang naging pag-iling nila Aika sa ipinakita kong design ng stall namin para sa foundation day na sinicelebrate ng buong week. 'Yung stall na 'yon ay pagbebentahan ng group ko at kailangang makabenta. We need strategies in what way we can attract customers. These friends of mine can help but they refused to. Hanggang tingin na lang daw sila ng designs. 'Yung ibang groupmates ko naman ang bahalang magtayo at bumili since marami ang lalaki sa kanila.

"Ang patay patay ng kulay! Sino bibili dyan?" Ngumuya ng fries si Cola. Nakaarko ang isa niyang kilay at ang sungit-sungit kung tumingin. Ewan ko ba kung ano meron dyan. Kahapon pa masama ang mood. Baka merong..alam niyo na.

"Okay din naman. If you're tamad, that's acceptable." Lumingon lang saglit si Prya tapos ay naglibot na ulit ang mga mata nya sa paligid. Naghuhunting ng gwapo.

"Palitan mo kulay. Enhance mo ng konti para buhay." Tumango-tango sa sariling suggestion si Dea.

"Palitan ko na nga." Ngumiwi ako at dumukdok na ulit sa wooden na lamesa. Nasa gilid kami ng field ng university ngayon. Sila Aika nagchecheer sa mga naglalaro ng football. Wala naman kasi si Scott daw. Magliliwaliw daw muna sya.

Mas tiningkaran ko pa ulit yung kulay nung stall na dinrawing ko. Hinayaan ko muna sila Dea, Cola at Prya na magdaldalan. Pag nakisali ako malamang na hindi agad ako matapos.

Habang nakikipagsapalaran ako sa upod na oil pastel ay tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext.

Tinigil ko muna ang ginagawa ko tsaka sinilip ang nasa gilid lang din ng pencil case ko na cellphone ko. Sila Lloyd ang nagtext. Wala daw silang gagawin buong next week. Nag-aaya na gumala kami. Eh buong week pa naman ang foundation. Magtetext na sana ako nang magulat ako sa nagsalita sa likod ko.

"Aha!" Ngiting-ngiti si Sally habang nakasilip sa cellphone ko. Watdapak! Nakakatakot naman ngiti nitong kaibigan ko. Pawis na pawis pa. Jusmiyo.

"Ba't ganyan itsura mo?" Tanong ni Cola. "Nanggahasa ka ba?" Biglang nanlaki mata niya. Dinuro niya pa ng isang pirasong fries si Sally.

"Tama! 'Yun na lang ang gawin mo!" Hindi siya pinansin ni Salky at naupo sa tabi ko tsaka sinabi 'yon.

"Luh? Nabanog ka ba bago makapunta dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Para kasi siyang naabno. Di naman siya ganito.

"Papuntahin mo na lang sila dito tutal wala silang sched. ng buong week! Para makahakot kayo ng customers!" Hindi nawawala ang ngiti niya. Pumalakpak pa siya sa sinabi niyang hindi ko pa rin maintindihan.

"Seryoso Sally, kinakabahan na 'ko sa'yo. Ano ba'ng sinasabi mo?" Lumipat ng upuan si Cola at tinabihan si Sally. Pinaggigitnaan na namin siya ngayon. "Alam mo kasi, kung may problema ka, nandito lang kami." Tinapik-tapik ni Cola sa balikat si Sally.

"Shunge! Ibig ko sabihin.. Sila Lloyd gawin mong tagahakot ng customers. Halimbawa free kiss, free hug. Kiss sabay hug. Ganon! Para may magawa sila next week." Sally wiggled her eyebrows.

Napaisip naman ako sa sinabi niya ng mga one second tapos tinawagan ko si Lloyd.

"Sige ba!" Para namang na-excite sila sa sinabi ko at walang pagdadalawang isip na puamayag.

"Settled na ah? Wag niyong papaalam sa iba para di kayo dagsain. Bawal din naman outsiders unless celebrity. Hihingi kami permission mamaya. Se you guys!" Na-excite ako lalo dahil for sure na bebenta agad kami. Depende na lang kung marami silang haters dito.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon