12

9.4K 238 25
                                    

Chapter 12

"Yuck! Yuck! Yuck!" Halos mabura ang labi ni Jackson sa kapupunas niya. Aba't napakaarte.

Hindi ba't sinabi niyang kumportable siyang halikan ako? Tignan mo nga kung anong ginagawa ngayon! Nakakainsulto ah!

"Gugupitin ko 'yang nguso mo kapag hindi ka pa tumigil! Napaka-OA mo ah!" Inirapan ko siya. Hindi makapaniwala sa inaakto niya.

Lumingon siya sa akin nang nakanguso at tinakpan iyon. Nito talagang mga nakaraang araw ay masyado na rin siyang kumportableng ilabas ang tunay na siya. Iyon bang nakakagalaw siya nang maayos? Friends na nga raw kasi kami.

"Tss! Sorry, okay? I was just shocked. Why did you suddenly kiss me?"

"Eh bakit ka rin tumugon?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Natigilan agad siya.

Nakita kong namula agad ang pisngi niya at agad ding umiwas ng tingin. Muntikan pa akong matawa.

"T-tumugon ba ako? Hindi naman! Hmp!" Pilit siyang umirap sa kawalan.

"Tsk. Lokohin mo'ng lelang mo. Geh, una na 'ko." Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya ngunit nang pababa ako ay bigla rin naman niya akong hinatak pabalik.

"Sandali!"

"Ano na naman?" Nakasimangot kong tanong. Male-late na ako't lahat hindi pa sabihin ang mga gustong sabihin!

"Eh a-ano.. s-susunduin sana kita mamaya ulit?" nag-aalangan niyang tanong.

"Oh? Araw-araw mo naman akong sinusundo ah?" nagtataka ko siyang tinitigan. Lutang na naman ang bakla.

"Tss. Oo na! Parang nanghihingi lang ng permiso eh! Go out na nga! Chooo!"

"Bwisit!" pabalibag kong sinara ang pinto ng kotse niya 'tsaka pumasok ng school.

Kahit kailan. Walang kwentang kausap.

"Pooooyiiiiii!!!!" napalingon agad ako nang marinig ang matinis na boses ni Prya.

"Yes? What? Bakit? Ano iyon?" tuloy-tuloy na tanong ko sa kanila. Nakakataranta, akala mo may nangyayaring kung ano.

"I just saw you going out of Jackson's car! You didn't introduce us to him na naman? Why are you like that ba ah?! You don't make share him sa'min!" Halos mabuhol ang utak ko sa pag-intindi sa sinabi niya. Ilang segundo pa bago ako nakasagot.

Tsk. Masyado talagang maarte magsalita itong babaeng ito eh. Bakit ko nga ba naging kaibigan ito? At talaga bang sisihin akong hindi sila ipinakikilala kay Jackson? Hindi lang nila alam na pinoprotektahan ko lang sila dahil magogoyo lang sila sa kabadingan nung baklang iyon. Balang araw ay maiintindihan niyo rin ako, Prya.

I feel like a hero.

"Nagmamadali kasi iyon. May shooting pa kaya 'yon! Hindi ba?" Malabo kasing hindi sila updated sa ginagawa 'non, malamang ay alam na nilang may ginagawa siyang bagong proyekto. Kunwari na lang ay may shooting ngayon.

"Ay really?" Nadismaya naman agad siya. "Anyways, did you do our assignment na ba?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Tumitig ako sa kanya nang ilang sandali at saka nilagpasan siya.

Make iwas-iwas din sometimes ika nga niya.

"Hey! I bet you didn't, ano? Lagot ka na naman kay Aika! She'll not make pakopya ng assignment sa'yo for sure!" sabi niya habang sinusubukang sabayan ang lakad ko dahil nauna nga ako sa kanya.

"Tsk. Siya lang ba ang pwedeng kopyahan? Bawal sa'yo? Kay Dea? Kay Cola? Kay Sally?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Hindi sa bawal, we don't have the same assignment lang! Like duh! We're not classmates kaya!" Napaface palm na lang ako sa sinabi niya.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon