40

3.8K 110 8
                                    

Characters above.

2 Point of Views.

Chapter 40

________

Angeles'

I watched how the trees danced gracefully as we pass by them.

I envy how the birds can freely spread their wings not worrying about unnecessary things like gas or traffic hindrances — not really caring at all about the superficial things of the world.

Tahimik akong naiinggit sa mga hayop sa paligid nang malinaw kong marinig na magsalita ang kapatid ko., lumalapit siya sa akin habang may katawagan. Kausap niya pala si GD.

"Salamat, GD. Pakisabi na rin na thank you kay kuya Scott. Ayaw lang talaga nila Ate na diyan kami ulit makitira pero tinutulungan niyo pa rin kami. 'Pag talaga naging maayos ang lahat, babawi ako sa'yo George Dean. Isama na natin ang kuya mo!" Angela chuckled a bit. "Sige sige. Salamat talaga," then she turned off her phone.

"Hindi ba't parang masyado nang nakakahiya sa kanila, anak? Nakitira na tayo sa kanila noon, ngayon naman, hindi nga tayo sa bahay nila titira-pero sa pagmamay-ari naman nila?" Inang's forehead creased.

Gusto kong sumang-ayon pero nauunahan din ako ng pag-aalala sa mangyayari sa amin kapag hindi kami tumuloy sa tinutukoy na lilipatan namin ni Scott.

"Inang, pinauupahan nila 'yon. Hindi naman tayo libreng makikitira 'don! 'Tsaka ayaw nga ni ate na sa kanila ulit tayo tumira di'ba?" ngumuso ang kapatid ko.

Bumuntong hininga na lang si Inang at tumango.

"Mabuti talaga at may kakilala tayong gaya nila," biglang sabi ni Kuya. "Bakit hindi na lang 'yong si Scott ang nagustuhan mo, Poyi? Hindi ka siguradong sasaktan 'non!"

"Manahimik ka nga kuya!" sinita siya ni Angela.

Hindi ko pinansin ang pag-uusap nila, imbis ay lumapit ako kay Inang na lumilingon-lingon at nag-aabang ng masasakyan namin.

Hinatid kasi kami dito ni Lolo Jomar. At dahil hindi pa namin alam kung saan kami tutuloy ay dito muna niya kami dinala.

"Kumusta na daw po sila Aika? Nakauwi na po ba sila?" sila Lola Wella kasi ang naggamot kayla Aika kanina. Nauna kaming umalis at buti nakapagpaalam ako.

"Hindi ba nagtetext sa'yo? Walang cellphone sila Lola Wella mo. Telepono lang at mahal ang bayad kapag tatawag tayo 'don. Kontakin mo na lang ang mga kaibigan m-- ay sandali nga pala!" hinablot niyang bigla ang cellphone na binigay sa akin ni Jackson. "Huwag mo na ring kontakin pa ang lalaking iyon. Simula sa araw na 'to. Artista na lang siya sa paningin mo. Hindi kayo nagkakilala. Walang naganap na pangyayaring magkasama kayo. Kalimutan mo ang lahat at magsimula sa panibago." Seryoso niya akong tinitigan.

Walang rumerehistro sa utak ko pero parang ang sakit ata pakinggan ng mga sinasabi ni Inang.

"Alam ko anak naging pabaya ako. H-hindi ko napapansin ang mga nagaganap sa paligid ko at lalong hindi ko... napansing ganito na ang nangyayari sa iyo. Ngayon anak, nagpapaka-nanay ako. Sinasabi ko sa'yo, kalimutan mo na siya anak." Huminga siya nang malalim upang pigilan ang pag-iyak. "Alam kong magiging mahirap gaya ng nararanasan ko. Pero hangga't magkaiba ang mundong ginagalawan ninyo. Mahihirapan at mahihirapan kayong dalawa," she wiped the sides of her eyes dahil sa mga butil ng luha na patulo na. "P-Para ho!" Inayos niya ang kanyang sarili. Nagmadali siyang tumungo sa jeep na pinara at inaya kami.

Sana nga ganoon kadaling kalimutan siya. Hindi ko kaya... at hindi ko rin gagawin.

Ang pagkalimot ay hindi naman sagot para maging maayos ako. Bukod sa hindi na iyon madali, hindi pa posible kung hindi ako magkaka-amnesia. Naging parte pa rin siya ng buhay ko...kaya... kaya ang dapat kong gawin ay ang magpatuloy.. nang hindi siya kinakalimutan, dahil isa siya sa mga dahilan.. para magpatuloy ako noon at matuto ngayon. This also means that I'll continue loving him. Hindi ko naman mababago 'yon.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon