35

4.5K 101 6
                                    

Chapter 35

Matapos sa school ay dumiretso na kami pauwi sa bahay.

"Salamat, Cyan! Thank you rin po, Kuya Ronald!"

Pagkakaway nila'y isinarado ko na ang pinto ng SUV.

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Lola Wella, Angela at Inang sa sala. Nagmadali agad akong tumungo nang mapansing may hindi tama sa kanila.

Dahil nga malaki ang sala, ilang lakad pa ang ginawa ko bago makuha ang tamang distansya para makalapit sa kanila. As I came closer, I saw how tears keep on streaming on my mother's cheeks. Sina Lola Wella at Angela naman ay nasa tabi niya at pinatatahan siya.

Agad akong nag-alala kaya mabilis akong lumapit pa.

"Ano po'ng nangyari?" maingat akong naupo sa tabi ni Angela na nasa kanan ni Inang.

Bumuntong hininga si Lola Wella na siyang sumagot sa tanong ko.

"Tumawag ang iyong ama. Ang akala ko'y makikipag-ayos na kaya naman excited ako, pero mukhang hindi talaga iyon ang nais ng Panginoon. Your father called just to say that he's giving up. If he doesn't know where he'll find you, then he won't be able to keep in touch with you that's why he has resorted to totally cutting everything that is between your mother and him," malungkot na pagpapaliwanag sa akin ni lola.

Agad naman ang aming paglingon nang magsalita si Inang.

"Nako! Sabihin niya kamo ay gago talaga sya! Ginawa niya pang dahilan ang distansya namin ng mga anak niya sa kanya? Kung talagang gusto niya kaming makausap at makipag-ayos sa amin, gagawa't gagawa siya ng paraan! Pero nasaan ang hudas na 'yon?! Sumusuko na agad? Nang wala man lang napapatunayan? Anong klase siyang ama?! Sa tinagal-tagal naming naging magkasintahan noon ay hindi siya nambabae! Bakit ngayon kung kailan may mga anak kami ay 'tsaka siya nag-isip binata?! Bakit ganoon?" Pumiyok ang kanyang boses. Humagulgol muli sa pag-iyak si Inang na agad din namang dinaluhan nila Lola Wella.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit kay Amang ngayon. Naiinis ako, oo, nagalit din ako nung una oo, pero dahil sa sitwasyon at sa ginagawa niya. Kung ibang anak na siguro ang nasa pusisyon ko, malamang na nagpupuyos na ang sinumang iyon sa galit. As if they want to be born again with another father and with another life so they could live a life better than what they currently have.

Hindi ko alam kung iyong galit ko ba para talaga mismo kay Amang ay delay lang o ano. Siguro ay dahil hindi ko pa rin tanggap na nagawa iyon ng Amang ko. Sobrang taas ng tingin ko sa kanya at sobrang tibay. Ipinagmamalaki ko siya noon pa man sa mga kaklase ko tuwing father's day dahil sa wala siyang anumang bisyo o babae. Now that we are in this kind of mess because of what he did, hindi ko na alam.

Sobrang laking parte sa akin ang bumigay mula nang mangyari ang lahat ng mga ito. Ang sigurado lang ako ngayon sa nararamdaman ko ay galit ako sa sitwasyon at sa ginawa ni Amang. Hindi tulad ni Kuya Angelo, hindi ko pa rin magawang magalit mismo sa kanya.

Pinagmasdan ko si Inang na umiiyak na naman sa pang-ilang beses.

Ang ilaw namin, makulimlim ang liwanag ngayon. At naiinis ako sa sarili na panay problema lang din ang ibinibigay sa kanya. Ayoko siyang mapundi.

"Hija, kung talagang wala ng pag-asa. Mas makabubuting dito na lamang nga kayo at hindi na magpakita sa asawa mo. Mas magiging madali iyon para maka-move on ka, o kung gusto mo ay sa Mcdo na lang mag-move on?" seryosong sambit ng matanda.

Pero kaming dalawa ni Angela, hindi maipinta ang ekspresyon sa mga mukha.

Si Lola Wella, hindi ko malaman kung nang-aasar ba o nagpapatawa o seryoso talaga siya. Mukha siyang seryoso...

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon