41

3.5K 108 8
                                    

Chapter 41

Angeles' POV

Hindi ako hinayaan nila Inang na tumulong sa kanila sa paga-ayos ng mga gamit namin dito sa nilipatan naming apartment which is owned by Scott's family. It's way too far from the city.

That also means that it'll gonna be hard for kuya Gelo and Gela. Mahihirapan sila sa pagpasok.

At kasalanan ko 'yon.

'Kung 'di ko na lang sana siya nakilala.

Bumuntong hininga ako at umikot sa kama. Nilingon ko ang oras at nakitang alas siete na ng gabi.

My phone rang beside me. Si Scott 'yon kaya agad kong sinagot.

"Hello Scott? Pasensya na sa abala ah. Hindi mo naman kami kailangan na tulungan pa." bungad ko sa selepono.

"It's my pleasure actually. Anyway, how are you there? Maayos naman ba ang pakikitungo sa inyo ng hired landlady? I told her to give you the biggest and prettiest apartment there. Did it go that way?"

"Nako. Mabait ang landlady don't worry. 'Tsaka, hindi na namang kailangan ng malaki o magandang apartment. May matuluyan lang kami ay ayos na. Salamat talaga."

"No worries."

Panandaliang nanahimik ang magkabilang linya. Naririnig ko siyang humihinga kaya hindi ako nagdalawang-isip na isiping hindi pa patay ang linya niya.

"Ah, m-may sasabihin ka pa ba Scott?"

Kinakabahan kasi ako. Pakiramdam ko may dapat akong malaman ngayon. Ewan ko ba! Bigla na lang ganito.

Ang buntong hininga niya ang nakadagdag sa kaba ko.

"Angeles. Papunta na ako dyan. Change your clothes. Wear something warmer than you're going to wear. As much as possible, wear jacket." Tapos ay pinatay na niya ang kabilang linya.

Dali-dali akong tumayo mula sa kama.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya pupunta dito at sinabing magbihis ako.

At lalong hindi ko alam kung bakit hindi ko na 'yon kinukwestiyon!

Masama ang pakiramdam ko. Alam ko!

30 minutes or more have passed. Narinig ko na ang kotse ni Scott sa labas ng apartment.

Tinungo ko ang pintuan mula sa sala. Sila inang ay nasa kani-kaniyang kwarto na at malamang ay nagpapahinga dahil sa pagod kanina sa pag-aayos. Hindi na din ako nagbalak na magpaalam pa.

"S-Scott! anong nangyari?" mahina kong sigaw pagkatapos isinara ang pintuan ng apartment.

"Hop in. We'll be heading to the Private Arts Hospital." itinulak niya ako papasok ng kotse. Dali-dali siyang umikot para makasakay na.

Private Arts Hospital. Sa pagkakaalam ko. Para lamang iyon sa mga artistang tulad niya, singer, dancer o iba pang nasa industriya nila.

Ayokong mag-isip ng masama. Pero iba na ang kutob ko.

Hindi ako nagsalita. Sya man ay hindi na rin iyon nagawa. Tahimik kami. Tahimik ang naging byahe at maging tibok ng puso ko ay hindi ko na marinig pa. Nakakabingi.

"Brace yourself Angeles." He warned me. "Nandito lang ako kapag hindi mo na kaya." Malungkot niya akong tinignan baho iginiya papunta sa entrance ng mataas na ospital.

"Ser. Hinde po pwide iyang kasama niyu ho dine ho. Tanging mga kamag-anak lamang ho o sikat na gaya niyo ang pinapasuk dine. Pasinsya na." paumanhin ng unang gwardiya.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon