38

3.6K 102 6
                                    

Chapter 38

______

Pinilit kong hindi lumuha sa harap nila Inang; O kahit na sila na nandirito sa bahay, maging si GD na hinatid ang kapatid ko pauwi at ngayon nga ay kasabay naming maghapunan.

I'm just looking down on my plate trying to avoid everyone's gaze. I know for sure that they've already noticed that I'm not the in my usual self. I'm not jolly-I'm not in the mood.

Agad ang pagtaas ng aking ulo at paglingon sa Kuya ko.

He's not looking at me. He's just continue putting rice on my plate. He's not smiling, not frowning too, though his thick eyebrows a bit furrowed. Parang wala lang pero seryoso siya.

Dinilaan niya ang pang-ibabang labi at pasimpleng inayos ang magulong buhok bago sumandok ng sa kanya at bumulong.

"Umayos ka Angeles Poyi Isidro. Hindi kita ipinagkatiwala sa kanya para lang umiyak ka. Now, smile as if nothing happened." Umigting ang panga niya ngunit para hindi mahalata iyon ay sumubo na lamang siya ng pagkain.

Panandalian niya akong nilingon at sinamaan ng tingin kaya napangiti ako ng bahagya.

Akala mo kung sinong makapag-utos. Mahirap kayang maging masaya kung alam mo talaga sa sarili mong hindi mo kaya.

Pero at least, napangiti ako ni Kuya.

"Poyi hija, ang konti ng ulam mo pero ang dami ng kanin mo? Bakit hindi mo dagdagan at napakarami namang ulam?! Masasayang lang iyan kung hindi niyo uubusin!" Pinagalitan ako ni Lola Wella.

"Eh...hehe." pekeng tawa ko.

"Para kang tanga." narinig ko na namang bulong ni Kuya kaya sinipa ko na lang siya sa ilalim ng lamesa. "Tss." ngumiwi siya.

"Epal." bulong ko din.

"Gusto mo na bang magpahinga?" nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Inang kaya napalingon agad ako sa kanya na nasa harap ko lang.

Seryoso lang siya at nag-aalala ang mga mata.

"H-hindi naman po." kumurap-kurap ako.

"Bilisan mo na lang ang pagkain nang makapagpahinga ka. Mukhang pagod ka masyado." Itinuloy na niya ang kinakain niya.

Matapos maghapunan ay agad akong pumunta sa kwarto namin.

Kahit gaano ko kagustong matulog sa kwarto ni Jackson ngayon dahil namimiss ko ang amoy niya, hindi ko kaya. Pakiramdam ko, hindi na rin ako ang babaeng nakatulog doon. I know I'm overthinking things too much, pero hindi niyo naman ako masisisi.

Kahit din ayokong matulog sa kwarto namin ngayon nila Inang ay wala akong choice. Ayokong makita nila na ganito ako ngayon-umiiyak na parang tanga, pero ang choosy ko naman kung mamimili pa ako ng ibang kwarto, e nakikitira na nga lang kami.

Sinulit ko ang mga oras habang nasa baba pa sila Angela. Umiyak ako ng umiyak.

Sinilip ko sa huling pagkakataon ang cellphone ko. Wala. Hanggang ngayon. Walang text o kung anoman ang galing sa kanya. Ayoko siyang tawagan o kontakin. Gusto ko kusa siyang magpaliwanag. Kusa niyang sabihin.

Pero wala talaga. Walang paramdam. Dalawang araw na.

Bakit Jackson? Akala ko ba akin ka? Akala ko ba ako ang mahal mo? Bakit naghahanap ka pa ng iba?

Kumirot ang puso ko ng may napagtanto.

Right. It's possible that I've not satisfied him that much. I'm too young. No experience. Inocent. Boring. Hindi nakapagtatakang maghanap siya ng iba. Iyong magaling at mabibigay ang gusto niya.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon