Prologue

23.2K 366 19
                                    

Edited

Prologue

Masaya kaming nag-iinuman ng buong barkada ko sa isang bar dito sa Manila. I don't exactly know what its name dahil hindi ko naman na iyon pinansin. Ang alam ko lang ay sosyal ang pinuntahan namin dahil libre naman ni Aika Marie- isa sa mga barkada ko na siyang dahilan kung bakit nagdiriwang kami.

Hindi, it's not her birthday. If I am not mistaken, nanalo siya sa regional contest. Pambato kasi siya ng school namin at kakaibang tuwa ang hatid no'n sa kanya lalo pa't isa siyang grade conscious at honor student. Malaki ang hatak no'n sa grade niya. Kaya naman bilang supportive naming mga kaibigan ay pumayag kaming mag-celebrate sa isang bar.

Hindi na kami mga menor de edad pero baguhan pa lang sa mga ganitong lugar. Kaya nga na-excite agad kami nang malamang dito ang celebration ng pagkapanalo ni Aika.

This is my first time in a bar, lahat kami, by the way. Ewan ko na lang kung may hindi nagsasabing isa sa mga kaibigan ko na pumupuslit ng bar.

Nakapasok kami sa bar na 'to dahil kay Aika; maimpluwensya kasi ang pamilya niya so it has explained everything. Kaya lang naman kami narito ay dahil din sa curiosity. Gusto naming maranasan ang mag-party sa isang bar lalo pa't 'di kami ganoon kayaman na 'di sanay sa karangyaan o kung ano pa mang ginagawa ng mga taong maraming oras at pera para may maipambayad sa ganitong mga kilalang lugar. Aika isn't like us, she's pretty rich; ewan ko ba kung bakit nag-aaral sa semi-public ang babaeng iyan, may pera naman sila.

"Angeles! Sayaw raw tayo!" sigaw ni Dea. Masyado kasing maingay rito sa loob, hindi kami magkarinigan.

Tumayo naman ako at sumama sa kanila. Wala namang masama kung sasayaw kami. Minsan lang ang ganitong mga pangyayari so, why not? Mas maganda kung magliwaliw na lalo pa at kasama ang buong kaibigan!

Inilibot ko ang paningin sa buong lugar habang patungo kaming dancefloor. Maraming nagkalat na sa tingin ko'y teenagers pa. Meron ding mga nakasuit at halatang businessmen. Merong mga nagsasaya, nagmemake out o kaya ay nag-iinuman. Typical bar. Syempre, habang inililibot ang tingin, naghahanap na rin ako nang pagkain para sa mata ko. Sabi ng mga kaklase kong nakapunta na sa mga ganitong klase ng lugar, marami raw gwapong nandito.

Gayumpaman, hindi lang ako ang nakamasid sa ibang tao. may mga nakamasid din sa amin. Hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga tao dahil sa suot namin. We actually don't care at all kaya nagsayaw lang kami sa gitna ng dance floor. We are still wearing our uniforms pa kasi. At opo, pinapasok kami dahil kay Aika. Wala na kaming time kanina para magpalit at magpaalam, ito kasing magaling naming kaibigan ay hiniogit na lang kami bigla papasok ng kotse niya!

Maya-maya rin naman ay nawala sa amin ang atensyon dahil napunta iyon sa entrance ng bar. Hindi ko alam pero nagtitilian ang lahat. Dahil sa natatakpan ang taong kararating lang ay napagdesisyunan naming magkakabarkada na huwag nang makisali pa. We've just enjoyed the night. Kuryoso man dahil baka presidente na 'yon ng Pilipinas, ipinagpasawalang bahala ko na lang muna lalo pa't dinadaldal ako ni Aika.

Naupo kami pagkatapos mapagod. Aika ordered more liquors, the hard ones. Talagang sinusulit ang gabing ito dahil paniguradong pagagalitan kami pag-uwi. Hindi naman kasi kami nagpaalam, para saan pa kung alam naman naming hindi kami papayagan? Matigas ang ulo namin. 'Wag gagayahin.

Nagdaldalan kami habang hinihintay ang order.

"Ever heard of tsismis earlier?" tanong ni Prya, ang dakilang conyong tsismosa.

"O, anmeron?" sagot na tanong ni Sally.

"May gwapo ba sa ikukwento mo?" malanding pahayag ni Cola.

"Yep! Mayro'n!"

"Shaaaare!"

"Nandito raw si fafa Jackson Stiles Drew Peterson!!" pigil na tili ng bruhang si Prya.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon