22

7.4K 226 23
                                    

Chapter 22

_______

After class, agad kaming naghiwalay ng mga kaibigan ko. Hindi gaya noon na may naghihintay sa akin lagi tuwing uwian, ngayon ay balik sa paglalakad ako pauwi. Pero syempre, magta-tricycle pa rin ako pag malapit na sa kanto. Medyo malayo rin ang bahay namin ah.

O nasanay lang akong nakakotse 'pag uuwi? Tss, kaya ayokong nasasanay ako eh. 'Di bale, mahigit dalawang linggo ko na itong ginagawa. Masasanay ulit ako.

"Sa Sta. Lucia kuya." Agad akong sumakay ng tricycle. And when I exactly sat inside, it started to run for life.

During the ride, thoughts about Jackson flashed in my mind. Ito ang ayoko kapag hindi ako nalilibang, I will keep on thinking about Jackson's confession about his feelings for me! I will keep on remembering his face when he's trying to convince me! I will keep on remembering the way he gave me that dissapointed and hurt look when I tried to take a glimpse of his face before running away! I'm going crazy! Ako naman ang gumawa no'n. I pushed him away!

It's not fair, I'm always remembering him. But does he even think about me? O kahit sumaglit man lang ba ako sa isip niya'y hindi niya nagawa? 'Cause I think he doesn't.

With the way he held Diana's waist, and the way he looked at her eyes. He seemed satisfied and contented. Totoo ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin? 'Cause I think it's not. Paano siya nakakatingin sa ibang babae nang ganyan kung may nagugustuhan talaga syang iba? At kung nagagawa nga niya iyan, malamang ay ang maalala ako'y hindi niya kailanman magagawa.

"Nandito na po tayo, miss."

I immediately signed out my account in my twitter app and off my phone. Muntikan ko pa iyong ibato dahil naiinis ako sa napanood kong video mula sa premiere night ng palabas nila, pero iyon na lang ang nag-iisa kong cellphone na kukurap-kurap pa.

Nagbayad ako sa driver at nagsimula na muling maglakad sa maliit na daanan papunta sa bahay.

If Jackson's still mad at me for what I've done to him the last time we saw each other, he's indeed daft! How dare he didn't contact me? I've been his friend for months! Dapat ay tawagan man lang niya ako! O kaya'y itext! Sabihin niyang nagka-premiere night ang palabas nila at sana'y dumalo ako at isama ko pa sila Inang! But he didn't do that! Gusto niyang solohin ang gabi at makipaglandian lang doon kasama ni Diana!

"Poyiiii!" Lumingon ako sa mga tumawag sa akin. I saw Lloyd Tristan Batongbakal with the rest of our friends walking towards me.

"Na-miss ka namin ah!" Nakipag-apir si Carlo Roque sa akin. Nginitian ko lang sila. Ayokong magsalita dahil baka mabaling ko pa sa kanila ang inis ko mula kayla Jackson at Diana.

"Sa pagkakatanda ko, mahigit dalawang linggo na tayong nagkikita. Araw-araw iyon, walang mintis. So why miss me that fast?" sarkastikong sagot ko. Hindi ko rin natiis dahil inuulit din 'nung iba eh.

"Walang inglisan, Poyi!" iiling-iling si Aching (Achilles Soriano).

"Ganun ka namin kamahal Poyi! Ilang segundo ka pa lang mawalay sa amin ay talagang hahanap-hanapin ka namin!" Umambang yayakap si Kiko (Francisco William Batongbakal) sa akin kaya naman umiwas agad ako.

"'Wag niyo 'kong masyadong mamiss, maghanap kayo ng trabaho nang sa gano'n ay hindi na kayo maging tambay," sabi ko sa kanila. "O kung mananatili kayong ganyan--"

"--'Wag kaming magda-drugs. Alam na namin 'yan Poyi! Pang-ilang beses mo ba 'yang uulitin?" natatawang sabi ni Lloyd.

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero unti-unti na rin akong natatawa.

I've Slept with A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon